Iba't ibang kwento
Iba't ibang simula
Pero isa lang ang sentro
Tagumpay ng bawat isa
Ano man ang hamon
Hindi nangangamba
Kahit hamunin ng takot
Hindi ito tutumba
Kilalang palaban di nag-aalangan
Sugod lang sa pangarap ano man ang daan
Sa init at lubak, sa hirap at lumbay
Diretso lang sa tagumpay
Para sa tapang na tunay
Para sa tibay at husay
Isang tagay sa mga ganado sa buhay
Para sa pusong lalaban
Pangarap, pamilya, at bayan
Isang tagay sa mga ganado sa buhay
Ilang beses mang tumumba
Malagay man sa pangamba
Lahat yan hindi uubra
Kitang kita ang angas sa mata
Di natatalo, dahil natututo
Kahit mapagod walang balak sumuko
Hindi matitibag ang pag-asa
Dahil sama-sama sa pag-arangkada
Kilalang palaban di nag-aalangan
Sugod lang sa pangarap ano man ang daan
Sa init at lubak, sa hirap at lumbay
Diretso lang sa tagumpay
Para sa tapang na tunay
Para sa tibay at husay
Isang tagay sa mga ganado sa buhay
Para sa pusong lalaban
Pangarap, pamilya, at bayan
Isang tagay sa mga ganado sa buhay
Ikaw, ako, tayo makabagong bayanihan
Samahang hindi mabubuwag, kapatiran
Anu man ang kalaban madami man yan o higante
Never say die lang ang sinisigaw palagi
Di mo masisindak, di mo malilinlang
Ika'y makakatiyak di mapipigil ang pangarap
Pag-ibig ng ganadong palaban laging may paraan
Dirediretso lang ano man ang daan
Hindi pwedeng bahala na lang
Kailangang planado ang laban
Nakatutok at nakaabang
Pangarap, pamilya, at bayan
Tunay na mandirigma isip, puso, at diwa
Pilipinong ganado itaas ang bandila
Pilipino ako, ganado ako
Matapang ako, lalaban ako
Pilipino ako, ganado ako
Matapang ako, lalaban ako
Para sa tapang na tunay
Para sa tibay at husay
Isang tagay sa mga ganado sa buhay
Para sa pusong lalaban
Pangarap, pamilya at bayan
Isang tagay sa mga ganado sa buhay