Album

Trabaho Lang


Ating Panahon
727 Clique
Producer: Alas Ng Beats
2018

Verse 1 (Arpee Turla):

Ako'y namulat sa gubat na baboy ramo ang hari

Kung san ibon ay bakal, puno'y nagtataasang gusali

Puso ng Leon, balat ng Oso dapat ay dito ka yari

Dahil tuso mga ahas wag na wag kang magpapayari

Nadiskarte ng lagare umaga hanggang gabi

Salungat ka wala tong pake di mo ko mapapatabi

Na marating ang tagumpay sa kabila ng kasukalan

Ng kagubatang nilakaran ko mula pa nung kabataan (uh!)

Ito ang Baclaran kalakaran dito kaliwa't-kanan

Tabunan mo ang kahinaan pakita mo na di ka nila pwede na tapakan

Ang kahirapan ay upakan hanggang bumagsak

Lumingon pabalik kung san nanggaling sa utak ko yan sinaksak

 

Verse 2 (Paul Cassimir):

Laman na naman ng nga usapan man dito sa hiphop scene

Mga halimaw, beterano, bago, God and king

Yeah ibang klase din sanay sa digma

Walang pake sa mga peke at talangka sa mga timba

Kumawala lang sa kadena pero ako'y ganun parin

Utak ko tuon lang sa pag galaw at di magmahangin

Umpisa pa lang ng pahina wag ng pilasin wag manghila

Nagtiyaga gumawa ng paraan upang umusad ang pila (yeah)

Trabaho lang men walang personalan (yah)

Respeto lamang yun lang ang aking kailangan (yah)

Mga paa sa lupa walang tatapakan na kahit na sino

Down pa rin kung down saking pangalan (yah)

 

Verse 3 (Astro):

Masdan aming galaw ibang-iba sa narinig mo

Sasakupin gamit musika Baclaran to Tundo

Tamad tong magpahinga ayokong magantay ng bayabas

Di nalang nangaapak lumalaban tong may patas

Praktikal lang ang buhay may bahid ng ilegal

Nangangarap din sa hinaharap marijuana ay ma-legal

Tus lahat ng mga peke nakikita ko mata

Pabaliktad ang mga tingin basa ko na sa mga salita

Mas pinili kong gumalaw kesa matulog o humiling

Di hinayaang maging salungat sa pag sipag ko hinambing

Nabaliw iba sa problema, hindi sa droga

Sarili di makalaya tila laging naka kadena

 

Verse 4 (Lexus):

Chillin steady lang sa aking hood

Tapos wake and bake para di masira mood

Sa eksena laging gutom asan na ang food?

Owfuck Gang iba ang pananaw pero di kami rude

Tableta't usok pati alak (uh)

Nag lalaro sa aking utak

Kanta't chongke padin ang tinutulak

Hanggang sa mawala ang haters na isang katutak (uhh)

Kailangan namin gumawa ng moves

Fuck the law sometimes you need to break the rules

Unstoppable like 96 to 97 Bulls

Natutong dumiskarte kalsada ang nag silbi kong school

 

Verse 5 (Jim Dacanay):

Trabaho lang pre, bawal personalan

Mabagal man walang pake hindi to paunahan

Sa larangan ng pag-hustle pagmasdan mong lumaro

Magugulat ka na lamang maiiwang tuliro

Buwaya ang galawan, tawagin mo kong Binay

Aabutin yan sila hintayin mo ang patunay

Patay-gutom sa respeto at uhaw sa salapi

Hahamakin ang lahat hanggang sa dulo magwagi

 

Verse 6 (Ryke):

Ito'y trabaho lang para sa akin walang personalan ang kaso lang

Bago ko umpisahan pede bang makainom kahit isang baso lang

Para malaman ko kung kayo ba lunukin ang mga atraso ng

Mga kulang kulang at walang bilang kayo'y isang lampaso lang

Wag kang mag mataas kung ika'y hanggang paa lang

Subukan mo na lang magpahinga ng pahalang

Hindi to katuwaan ito ay trabaho ng

Batang ginawa ang imposible sa laro at taga Pajo lang

 

Verse 7 (Third Flo'):

Mr. Musika't Diskarte oo ako to pare

Plano ko matinde laging pa-abante

Walang arte bawat oras ay ginto

Kung ayaw pagbuksan ng pinto, wawasakin ko!

Batang Tundong may dugo ni Asiong at gulang ni Golem

Mala Vito Corleone galawang pailalim

Sa larong ito utak ang dapat pairalin

Pera-pera lang lahat yan kayang paganahin

Trabaho lang pre walang personalan

Kung di mo ko trip di ko kasalanan

Negosyo, Kaibigan di pinaghahalo

Kung pera, pera tayo, pag tropa ay tropa tayo

 

Hook:

Trabaho lang men, walang personalan

Nagsisipag lang para kame ay yumaman

Trabaho lang men, walang personalan

Mga tamad ay aming iiwanan

Trabaho lang men, walang personalan

Nagsisipag lang para kame ay yumaman

Trabaho lang men, walang personalan

Mga tamad ay aming iiwanan



727 Clique - Ating Panahon (2018):

SEE ALSO

OTHER LYRICS

Ang Aming Hamon (feat. Gloc-9)

Apokalipsis
Apokalipsis
2000 Album

Pink Palaka (Haring Solomon)

Krispy Na Kremy Pa
Andrew E.
2004 Album

Alabang Girls

Alabang Girls
Andrew E.
1992 Single

What Matters Is It Does Not

Self-Help, The Checkup
Omega and skinxbones
2016 Album

Trapezoid (feat. OWFUCK)

Random Thoughts
Tiny Montana
2017 Album

FEATURED ARTICLES