Intro:
Marahil ay iniisip niyo kung anong klaseng awitin ang inyong maririnig
Mga kakaibang awitin hango sa buhay ng isang tao na kung tawagin ay si Gloc-9
La la la la la la la la la la la la la
Verse 1:
Nagsimula ang lahat nang aking hawakan ang lapis at papel, ako si Aaristotle
'sang studyante na tulad lang ng iba, walang magarang damit o pera, ganon lang tlga ang buhay
Ngunit ng akoy magsimulang tumula
Ang lahat ay nabigla ako ang nasa gitna
At nalaman ko ang landas na aking dapat tahakin
Sinimulan kong hanapin ang buhay na para sa akin
Ngunit hindi naging madali ang napili kong kapitan
Parang sumakay ng bus na siksikan sa may Dapitan
Puno ng pawis at luha ang sakin ay bumababa
Para kang natatabunan pilitin mo mang bumangon
Di naglaon ay puno na ng latay aking likod
Para lang sa mikropono lumalakad nang paluhod
Ngunit hindi ako nagpatalo kahit ano mang sabihin
Ng mga tao di naman nakakakilala sakin eh
Chorus:
Sakin ay makinig nang inyong malaman
Ang bawat nilalaman ng aking isipan
Sakin ay makinig nang inyong malaman
La la la la la la la la la la la la la
Verse 2:
Di niyo alam kung ano ba ang pinagdaanan ni Gloc
Masahol pa sa kalsada na punong puno ng lubak
Umiiyak ako patuloy na nananalangin sumulat pa nang sumulat pinilit paring aralin
Nang sa, ngayon ay my nakapansin sa king boses
Na parang binaggit mo ang pangalan ni Gaby Lopez
Di naglaon ay parang unti unti nararating
Ako'y biniyayaan ng dalawang buhay kong hiling
Ngayon ay wala nang makakapigil, ako ay nanggigigil
Gusto mo magrap ako ang titser at ikaw ang pupil
Tama na pagalingan, tama na ang paligsahan
Eto ang album ko my bago kang pagaaralan
Sino ang amo mo sabihin sa kanya to
Di uubra lahat ng uhugin ng liriko
Sa aking mga kaibigan ako ay nagpapasalamat
Lagi niyong isipin na hindi masama ang mangarap
Repeat chorus (2x)
Outro:
La la la la la
La la la la la
La la la la la
La la la la la