Single

Wag Na (feat. CK YG)


Wag Na
Realest Cram
Producer: Young MLV
2024

Chorus (Realest Cram):
Ooh
Wag ka nang umasang babalik pa
Di ka naniwala sa'kin, diba?
Ba't ngayon ika'y nangangamusta?
"Tawagan kita", sabi mo, sagot ko "Wag na"
Wag na, wag ka nang umasang ako'y babalik pa sa'yo
Di kita gusto, 'yun ang totoo
Sa iba ka na lang magpasalo

Verse 1 (Realest Cram):
Nagparamdam ka sa'kin, tanong, ano ang balita?
Sabay sundot ka kung pwede pa ba tayong magkita?
Hay nako hindi na kahit pa magbawi ka
Hinalang tama ka kasi, ayun nagkamali ka
Ikaw sana ang kasama ko ngayon
Kung naniwala ka sa mga plano ko noon
Nainip ka sa haba mabilis lang panahon
Bumitaw sa di malaman na rason, pero alam ko na 'yon
Ngayong gumagana na 'yung dating pinaplano
Kaw sana ang kasama paglipad ng eroplano
Tinupad mo sana mga pangakong napako
Wag ka na manggago, hoy, 'di ka magbabago

Repeat chorus

Verse 2: (CK YG):
Oh, baby wag na lang muna, masyado ng luma
Mga ganyang galaw mo sa'kin mula nung una
Tiwala lang kailangan, di mabigay ng kusa
Wala 'kong panahon bigyan pansin mga duda mo
Oh, baby 'wag na lang, alam mong ayos sa'kin kung may iba ka
Kaso parang sinasamantala mo na 'ko
Kamusta ka d'yan ngayong mag-isa ka?
At kung kakatukin, magbakasakaling bumalik ka hindi ko na bubuksan
Kapalit ng bigay mong sakit, yung sakit na ibabalik ko, ako dulot niyan (Yeah)
Nung umalis ka parang gusto kong magmakaawa
Gusto kitang sundan kaso pa'no kung iba na yung kasama
Sugat sa puso yung tama, hindi na 'ko nanghihinayang
Buti na lang umalis ka, kung hindi malaki yung nasayang

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Close Yo' Eyes

Track Dealer Mixtape
Ives Presko
2015 Album

Bedtime Stories

Personality In Disorder
AKT
2019 Album

Feeling Fil-am (Killacam Remix) (feat. Waiian)

Feeling Fil-am (Killacam Remix)
Aaron Dettman
2019 Single

Hue.

Hue For Ya
Sica
2021 Album

Sirang Plaka

Sirang Plaka
Because, FTD, LarkMester
2018 Single

FEATURED ARTICLES