Verse 1:
Pangarap ko na nung maliit pa ako kung sino ako pag laki
Kaya nagbilang pa ako ng ilang umaga at gabi
Bago ako umabot saking tinatapakang aking
Pinagdaanan ay hindi naging madali kasi
Tila simputik ng divisoria
Ang guhit ng aking istorya
Sa ginampanan kong papel na bumago saking pagkatao
Bawat hakbang sa daan parang hagdan-hagdang palayan
Unting nilaman ang sanhing naging bunga ng maraming pagbabago
Nangapa ako sa dilim kung san halos pikit mata
Ako na namulat sa makabulag na mundong dikit na sa
Pangalan ko ang lugar
Kung san ko sinimulan ang mga ipinagpatuloy
Na hindi ko hinintuan
Mula sa kanto ng Delpan
Hanggang sa buong mundo sa bawat kordo ng mic mapadaloy
Ang pagkadugong Tondo saking ugat
Ay isa lang naman saking mga hangad na ang katuparan
Sana'y makasalubong sa paglalakad
Naglakbay, taglay ang talento niyang bigay
Nagpakapasaway kung saan tahimik nagingay
Ako hanggang makilalang taga samin na gawing pambato
Na umalis, nawala, naglayas, naggala
Hanggang sa maging panday, bladaw!
Chorus (Ashley Gosiengfiao):
Lakad, lakad, lakad, lakad
Lakad lang nang lakad
Lakad, lakad, lakad, lakad
lakad lang nang lakad
Sige lakad lang kahit lang magisa
Wag mong sabayan ang alon
Ikaw ang magdikta
Salungatin anumang dumating
Basta wag hihinto sa lakad
Kahit aking uliting ukitin muli mga guhit ko sa palad
Verse 2:
Makulay man ang mundo ginawa ko lang puti't itim
Ang pagtingin ko nang mapansin ko ang liwanag at dilim
Sa bawat anggulo ng buhay
Di man maexplika ang larawan ng kinabukasan
Mas lalong na inspira
Na ibalanse ang mga aral
At leksyon na nakatago sa mga naranasan ko
Masama't mabuting magkahalo naligaw na ako
Nawala hanggang natutong lumugar
Pati patong tumaya di man marunong sumugal
Mas nilakihan pa ang mga pag hakbang
Tungo sa katuparan sa daan kahit pa na maraming hadlang, saking kinamulatang
Lakaran ay hindi pa din nawalan ng gana
O nawalan ng pagasa na sana madala ng tsamba
Ang tsansa na magising sa panaginip na aking dala
Bago natutunang lumakad, tumayo sakin sariling paa
Kahit na natapilok, natisod, nadapa
Ay pinahawakan ang makatungtong ng tugatog nang walang tinatapakan na iba
Repeat chorus
Bridge (Smugglaz and Ashley Gosiengfiao):
Sige lakad lang
Sige lakad lang
(lakad, lakad, lakad, lakad)
Sige lakad lang
Sige lang lakad
Uhm pap, pap, pap, pap
Pararap
Sige lang lakad
(pap, pap, pap, pap, pararap)
Wag kang titigil wag papara
Uhm pap, pap, pap, pap
Pararap
Sige lang lakad
Pap, pap, pap, pap, pararap
Ano man ang humadlang
Verse 3:
Hanggang mapaloob na ako sa mga naging
Tugon ng mga dalangin ko noon
Na tinupad ng panginoon
Nakuha na makuntento ngunit hindi nakampante
Kaya bilang pang kunswelo patuloy akong umabante pagka
Simula palang ng tunay na laro
Nakabwelo na ako kung kailangan mang mamuhay ng palayo
Titiyaking may pupuntahan ang iiwan kong yapak
Nasusundan ng balang araw sakin ng aking anak
Mga pintuang pinasukan
Bubong na sinilungan
Mga taong tinulungan ako sa gitna ng ulan
Ang pasasalamat ko ay ituring niyong bahaghari
Na magdudugtong sa patutunguhan ko saking pinagmulan
At sa mga duda sakin na pinatunayan na walang bida sa pelikulang
Di hinamak sa umpisa
Ano mang layo ng mga pangarap ko sa buhay
Ang daan papunta dun ay para sakin walking distance lang