Intro (Juan Thugs):
Kami ang mga makabagong Robin Hood
Robbin' every city’s known hood
Kahit mapa-old school o new school
Yeah, we know the rule, yeah, we doin' cool
Reppin' every city’s known hood
Kahit mapa-old school o new school
Yeah, we know the rule, yeah, we doin' cool
Yeah, we doin' good straight from the hood
Verse 1 (Kemikal Ali):
Ikaw na laging tumutulak para tuloy ang sulat
Sa'yo ibabato pasasalamat na di kukupas
Kayong mga hindi nang-iwan sa kagipitan
Kayong hindi nanabla 'pag bayag nagkapitpitan
Kayong mga solido subok, litaw man o lubog
Gutom man o busog, sabog man o tulog
Di wina-walang bahala ang sigaw at palakpakan
Ang hirap tanggihan ng apiran sa lansangan
Sana'y malaman mo na pawang katotohanan
Kahit tapos na magtomaan hanggang magdamagan
Tuloy ang lakad sa malapad at makitid at malulubak
At patag hanggang kampyonato na ang hawak
Verse 2 (Mista Blaze):
So let the beat play, I’m rollin’ my paper then smokin' this bomb bay
Rippin’ the mic and I gotta be steady when reppin' that zero trey, trey
Oh, hell, yeah, that's ill city ya muthafucka
Label me a thug but look at me now, I'm spreadin’ like cancеr
Drop a bomb and napalms holocaust part of my plot
Expressin' my thoughts, so whenevеr the caused
I'm ready to cross on anyone naught, we talkin' about hip-hop
Whatever the problem, I'm all about resolvin'
The system might be filled with debris but I'm out to shake 'em all
Inspired by Bone Thugs a little bit of Twista
A mix of 2pac, Brotha Lynch Hung and that crazy Wiz Khalifa
From Monte Carlo riden that sixty-four low, low cruisin' broadway
I'm bumpin' out classic instrumentals, feel the vibe as we parley
Chorus (All):
Yung naniniwala sa'min, ang kamao itaas
Kayo ang dahilan kung bakit kami malakas
Samahan niyo kaming abutin ang mas mataas
Mas palalawakin pa natin
Yung naniniwala sa'min, simula hanggang wakas
Kayo na di nang-iwan kahit pa nung taglagas
Sabay-sabay nating isisigaw nang malakas
Mas palalawakin pa natin ang hip-hop sa 'Pinas
Verse 3 (OG Sacred):
Kita-kita sa taas at mag-apiran
Mga dating kabitbitan sa linya 'pag may kapitikan
Nagkakalampagan mga listeners sa mail box, salamat sa pag-drop by
At pagbaba sa SM North, EB tsaka tambay
Spit sa videoke, 'pag play ng What a Man
'Pag merong nagbuga ng beatbox ay bibitaw pa rin
Disco o rap contest, kalye man o Forbes
Tambay sa New Episode kada gabi ng Huwebes
CD burn ng Distri, yeah, ganyan sa Indie
Hanggang pagtalon sa net, suporta mga real G
Galing sa ilalim 'to, kasama mga tunay
Ako'y kayo kaya 'ko nanatili na matibay
Verse 4 (Mike Kosa):
Naging tanyag at nagka-pera, nand'yan kayo nung kumarera
Di nang-iwan, nanatili sa gilid ko habang may gera
Apoy na nagbigay liwanag sa aking gasera
Ang tamis ng tagumpay, anihan na sa asukarera
Kayo ang naging gasolina, araw-araw nung wala pa
At suporta niyo'y nagbangon nung ako'y dapang-dapa pa
Ngayon tumatayo na, bubuhos ang enerhiya
Dahil wasak ang matatapakang entablado sa eksena
Taga-hanga ko since day one, mga tropang di nang-iwan
Mga tao na lumilikod, humahawi ng daanan
Pangalan ko'y bukambibig sa akin ay bumibilib
Karangalan ko ang bawat musika sa inyo'y iparinig
Repeat chorus
Verse 5 (Blingzy One):
Ngayon nararamdaman ko na mas lumalakas
Enerhiya sa aking isip ay kusang lumalabas
Kapangyarihan ay nanunumbalik, mas sumisiklab
Ang aking puso ay binuhay na muli ng musika
Salamat sa ibinigay niyong apoy
Ngayon ay 'di na papaawat sa bawat pagpalit ng panahon
Nand'yan ang aming tunog sa isip nakatarak
Ngayon malabo na maawat, ang pang-malakasan na balak
Kampay sa mga nanatili, ito na ang totoong laban
Ngayon ay wala nang palalampasin na pagkakataon
Sa bawat hakbang sisiguraduhin na tagumpay na ating natatamo
Walang iwanan ang lahat ng mga tinanim ay unti-unting aanihin
Isang direksyon lamang ang ating tatawirin, iisang adhikain
Ang mga obra natin ang ating sandata sa pag-abot nitong ating pangarap
Ating palalawakin at mas pagyayamanin hanggang sa ang matamis na bunga ay mayakap
Verse 6 (Inozent One):
Mga repapips, paps, tropapips, pards, 'tol
Kamusta na mga ka-Thugs, mga ka-Mob, what's up, bro?
Salamat sa lahat ng mga tunay na sumusuporta
Nung simula pa nung unang sinimulan kong sumulat
Salamat sa lahat ng mga nakinig, nakakabilib
Yes indeed, you did 'cause you all believe in me
So rest in peace sa di sumasang-ayon sa'ming mga hit songs
Eh ano naman kung weed song, you know, it's real dope
Wanna hear some real talk? Kung bakit ba kami nandito
Dahil 'yan sa mga tao na sa amin ay rume-respeto
Kayo na mga di nag-alangan, di nag-atubili na tumulong sa'min
Nagtulak para muling paganahin ang mga naka garahe
Ngayon tuloy-tuloy, wala nang hintuan ang ating byahe
Sa'n mang lupalop ay mararating na natin, wala nang imposible
Sa tulong ng mga ka-kosa, thugs, mga kassanga na nag-sipag
Sabay-sabay mamayagpag pati naniniwala sa'min
Repeat chorus
Verse 7 (Flow G):
Kalat na kalat sa paligid, pinalakas na maigi
Dami na rin nawiwili, makarinig ng iba-ibang awitin
Dati kasi ay malimit, pahirapan na ipilit
Napakahirap isingit pero ngayon rap na pinakamainit
Napakasarap isipin na tinatangkilik na tayo, maingay na, di na tahimik
Hindi na lang basta pang-gilid 'yung mga ganap tinatao kahit na mahal ang pa-ticket
Kahit mahaba ang pila sisingit basta makasilip kahit na malayo di na iniisip
Ang ibig sabihin 'yung tao hindi na makitid
Tapos na ipasok sa karayom ang sinulid
Yung mga punla nung mga una ay naging sulit
Habang kaming mga bago, papalawakin pa lalo
Para naman yung anihan ay maging malaking bukid
At...
Repeat chorus
Bridge (Blingzy One):
Mas palalawakin, mas pagyayamanin
Mas palalawakin, mas pagyayamanin
Patuloy na mamahalin
Repeat chorus