Verse 1:
Sumaludo sa harap ng bandila
Kastila ka bang umaalipin sa alila?
Sinakop ng puti ang mga kayumanggi
Pinagnanakaw ang lahi at sila'y naghari
Hanggang ngayon pa rin sila pa rin nakaupo
Ilang daang taon mula noon
Nakagapos ang ating mga kamay
Nakapiring ang mga mata
Dila'y pinuputol pag ika'y nagsasalita
Tulad ni Rizal na panulat ang pinairal
Si Andres ay pinatay ng kanyang mga kakulay
Yo! Hablo espanyol?
Si senior conio
Ako po ay isang mestisong indio po!
You a friend of uncle sam?
Yo! My man I am
I don't speak tagalog, but I try to understand
Pilipino ka ba?
Banzai!
Shinjimai!
Dorobo kedo moto oto kumai!
Chorus (2x):
Dugo'y inialay, para sa bayan
Sayang naman ang kanilang pinaglabanan
Dugo'y bumaha at naging pataba
Bulok ang bunga, tumulo ang luha
Verse 2:
Perlas ng silanganan kung tawagin ang Pinas
Sinilang sa silangan angkan ni malakas
Anak ni Bathala at ako'y nababahala
Di ako naniniwala na ako ay malaya
Akala ko ba Philippines 2000
Pero bakit ganoon, parang walang patutunguhan...
Kung buhay lamang ang ating mga bayani
Alam kong sila ang unang-unang
Magsasabi na kahit kailanman
Bayan muna bago sarili
Sa pagnanakaw ang nakaupo'y nawiwili
Kapuna-puna ang mga anomalya
Ang kakapal nila mga walanghiya
Barong tagalog pa ang mga suot ng mga gago!
Pag nagtagalog, bako-bako, ang labo
("ilan sa liderato dapat sa krus ipako")
Alam ba ninyo kung sino ang mga tinutukoy ko?
Repeat chorus (2x)
(guitar solo)
Repeat chorus (4x)