Taon dalawang libo't pito nang pasukin ko ang
Kaharian ni kuya Kiko kalalaya ko lang
Sa nag pahamak sakin bisyo don ko natuklasan
Pano labanan ang perwisyo ang nagbukas saking isip
Maging rebolusyonaryo at sa kalaunan
Bumalik ako sa lansangan di para mag yabang
Kung di kwento ang kapalaran nang tulad kong halang
Pinaka mahirap at mayaman akin nang nakamayan
Sa pagsusulat ko gamit ang ibat-ibang tema
Ay merong bagay na hindi ko pa nai mumuwestra
Hindi ko pa nahaharap ang sarili kong istorya
Bago maging alamat ilalantad
Sino ang nasa likod nang boses
Tubong Caloocan miyembro ng samahan
Ng mga hiwalay ang magulang
At yun ang nagturo sakin pano muling magmahal
Nang inabuso mo muntik na kong magpatiwakal
Akala ko ako na lamang ang nag iisang sawi
Sumaglit ako sa liga kalaba'y luhaang umuwi
Wag mo kong tignan pailalim porket di nako sumasali
Pag pinatulan kita patatakbuhin ka ni Aric
Pakiramdam ko ay lagging sariwang pagtakas sa hawla
Ang sakit ay hinaluan nang tunog ng lumang plaka
Pumipigil upang pagsarahin ako nang aking hukay
At nag aalis ng agiw sa aking talambuhay
Nang malaman ko ang aking ibig sabihin
Na bigyan ng kahulugan ang bawat patama nang patalim
Na akala ko kahit di sa lagim ay mananatili akong magaling
Napakaraming salamat sa mga bilin at sa mga masasamang tingin
Kayo ang nag turo sakin bigyan ng halaga ang repotasyon
Tinadtad nang maagang pagsubok
Hindi ako naniwala noon
Suwail na kagaya kong may saysay
Matagal na palang nag hihintay
Dati halos walang gustong kumaway
Ngayon sa boses ko ay nakikisabay
Ang kulit nang mapa nang aking buhay
Unti-unti kong binuo wala pako sa tugatog
Sa kadahilanan apak ko ang tuktok
Hindi to himala karanasan lang sakin ay humubog
Kaya ang pantasya mong magapi ako sa mukha mo na isuntok
Paki bali mo ang paniniwalang nakipakinabang
Kung ang yong kalagayan sa simula
Di mo inasahan kahirapang tulad ko
Hindi lang magagarang kasangkapan na bumubuo
Sa salitang regalo't gantimpalang taglay ko
Humuhulma sa pagbabago.