Album

1nthrow


Shanti Dope
Shanti Dope
Producer: Klumcee
2017

Verse:

Nakiangkas sa giniginaw na pulang kabayo

Dala-dala na sibat ay tulang magarbo

Pinahatid ang mga malalang regalo ko

Sa utak alimango, maluwang na karo

Gitgitan na kami ng aliwin ng mga pangarap na hindi kaya bilin

Madami man ang pumapantasya bilang lang sa daliri ang pwede tumikim

Mundong inakala kong laro lang

Nasimulan na maging kilala ko na pagkatapos sawayin ng mga karanasan na dala ko piring sa mata

Kinagatan ang trip ng karamihan kahit na hindi madaling nguyain sa panga

Baka naman ay mag yapak ka nalang pag nagpalit tayo ng mga sapin sa paa

Katawa-tawa na isipin, ngayon pa ko nadala sa pagiging

Patapon na malala sa alipin ang mahalaga nabawi rin

May napapala kada gising ko

Sa kama kahit na gipit ako na dumilat ay todo kayod kalabaw

Kahit na walang sahod sa lamesa walang karapatan na mapagod

Kung di na kaya ibigay ni itay ang mga hiling sa dumaan na kometa

Panahon na para ilabas ang mga kaalaman na itinabi ko sa bodega

Ang usapan ba dito karera? Dala ko’y tangke na de kalesa

Bumbilya ko’y alam ko na paganahin ayoko na magtiyaga pa sa gasera!

Ang haring araw ay nakauwi na

Ano kayang ipapakita ko na mukha sa buwan nakangiwi ba

O nakangiti na parang nakakita ng mga hitang mala Ara Mina

Pagkadoble kara pangkaraniwan sa mundo na dalawa lang ang pwede pagpilian

Sumabay sa alon o magpakasalbabida ugh!

Habang sila tanging hangarin di na gumamit pa ng pambura

Akin ay pano pa ba ko sa sariling baho ko mapasuka

Sa dami ng palabukang bibig di ko maiwasan na mapamura

Ako laban sa mga tengang panalang latak lamang ang napuna

Kaya kung bakit ba ko nandito?

Karaniwan na tanong ng ilan

Kahit na sa pagkabalagong nalibang niluwal ako para sa matinong dahilan

Kahit patapon sa ilan pagkakataong hiniram nagkaron pa rin ng dahilan

Para umasa na dumating ang panahon ng napakalagong anihan

Pinili ang mga dapat kalabanin pero di kung sino ba papalagan

Bago pa gawin na katawa tawa pagkatao na di nila tipo makita pinakawalan

Mala Romy Diaz sa sulatang pagiging bida gaganapan sariwang era ko’y abangan

Peke ang mundo na iyong ginagalawan kung ang katotohanan ay hindi mo pa nahubaran!



OTHER LYRICS

Day One

Party Worker
Bambu
2014 Album

Tommy Chong (feat. Macklemore)

Cinémetropolis
Blue Scholars
2011 Album

Pektus

FreeMan
Francis M.
1995 Album

Der Todesking

The Impaler EP
Plazma
2017 Album

FULLCLIP

FULLCLIP
Apekz x Flow G
2024 Single

FEATURED ARTICLES