Verse 1:
Araw na pinagtripan ng nakasimagot na ulap
Iba't ibang umaga ang sa mata nag pa mulat
Inasahang maganap mga bagay na di ko sukat
Akalain sugat sa aking matang di ko mabuhat
Panigin ko may medyo mamuta muta pa
Talo talo na sa kapeng barako sa umaga
Bukod sa kaalaman at sa baon ko na kwarta
Ay ganado ako para sa hangarin na dala
Na maka silay, klase na medyo maingay
Gurong may katamaran ibaba mga kilay
Mong katutak na matitibay
Pumasok ka na estudyante uuwi kang mala Binay
Napakasarap mabuhay kahit tanging karepa
Mo lang pulang kabayo at timba mo sa lamesa
Buti nung ako ay binuo si tatay merong pera
Ngunit pambili niya sabi ng tindera...
Verse 2:
Linggo at panahon na di marunong makisama
Taon na dalawang libo't isa nag pakilala
Sa akin ni inay ako'y sawa na maging kabit
Ang kabutihan na tukso'y na may gawing asawa
Natutunang gumapang, dumilat, tumayo
Dagok ang kadalasang kaalitan, kalaro
Mamiso sa palad umaasang mapalago
Bigo mang maka uwi kamot ulo nang patago
Nalang parati ala-alang iniwan ng kalsada
Buhay na laro lang ay digma ang kinilala
Na kaalamang pinasa ay wala pang guro at mag aaral
Ang nakakita sa kahit anong pisara maraming
Man ang kontrabidang marahas
Pinilit maging bida sa sariling palabas
Binigyan ni Bathala ng kakaibang lakas
Kahit may gomang nakaharang butas
Verse 3:
Sagad sagaran na ang aking pag kakabaon sa utang
Di ko na maalala mukha ng aking magulang
Madalas na ulam ko'y de lata mula pa nung una
Kung minsan tuyo lang may kaagaw pa anak ng pusang buhay to
Marahil ang masasabi ng iba pag tinakbo nila ang tsinelas kong dala
Nagawa ko na yan dati partida walang paa
Kamay mata wala pang makita't makapa
Sa dami naming nakipagsapalaran
Nasilaw sa liwanag ng araw at buwan
Natutunan na maki-pag bundulan at tulakan
Upang ang dulo't sukdulan natin ang mapuntahan
Yung iba kong kasamahan ipinunas lang sa damit
Nilunod sa inidoro nilampaso sa sahig
Malasin man o matalo masiraan ng bait
Alam mo ba kung bat panalo ka pa rin kasi...