Single

Abrakadabra


Abrakadabra
Abra
Producer: Bojam
2011

Intro:

Handa ka na bang marinig ang pinakamahusay?

Pinakawalan ng impyerno dahil tinanggal ang sungay

Pinagkamalan na rebelde pero tinanghal na tunay

Na makatang hibang, sino ba kasi yan?

Ang eksperto sa paggamit ng tayutay na magulang

Mga bobo kailangan ng patnubay ng magulang

Puro isip bata at yan ang patunay na magulang

Ang makatang hibang, sino ba kasi yan?

 

Verse 1:

Ako si Abra, kadabra, handa ka na ba pre?

Wala akong paki kung hindi, wag kang maarte

Makinig ka na lang sa mga kataga na medyo mabangis

Sobrang bukambibig na parang presyo ng langis

Ang sadistang rapista artista na boy

Kaya hasta la vista sa rap na baduy

Istupidong pag-ibig sa mga kanta ng unggoy

Walang kawala na para bang nasalanta ng Ondoy

Ako ang nabuwang na mukhang mabait

Maluwang ang damit at lubhang masakit

Ang mga salita ko pangdalubhasang galit

Eh yung sayo naman parang nagmula lang sa pwet

"Walang class", talaga?

“Ang baduy”, mas desente ka?

Kung ayaw mo kanta ko sana lang maaksidente ka

Mahulog sa hagdanan, malunod at makuryente ka

Tagalog o Ingles sakin magkakaleche leche ka!

 

Chorus:

Di kapanipaniwala, ito ang kanta na nagsisilbing paalala

Na di lahat ng rap ay nakakawalang gana

Sumama na kayong lahat sa Abrakadabra (Abrakadabra)

At talagang mahiwaga, sabihin sa pamilya at mga kabarkada

Na di lahat ng rap ay nakakawalang gana

Sumama na kayong lahat sa Abrakadabra (Abrakadabra)

 

Verse 2:

Hindi ko kayang kumuha ng kuneho saking sumbrero pero

Kaya kong kumain ng ispada na merong yero

Hindi ito stirero, ako paminsan ay umuupo sa dingding o kaya tulog sa kisame

“Idol, naniniwala po ako na totoo”

Problema ng Pinas marami nang mga uto-uto, punong-puno

Kung kaya’t dugo ko ay kumukulo

Oh Diyos ko po, alam ko na hindi mo rin ginusto to

Kaya biyaya mong handog, gagamitin ko

At kahit may pagkahambog, sasabihin ko

Na ako mismo humahanga din sa lyrics ko

Minsan nakikipag apir ako sa sarili ko (high five)

Imposible parang nagka-utang sa pulis

Nakakapagpabagabag na parang kubang nabuntis

Nakakamangha talaga ang aking mga salamangka

Na nagpasok kay Aladdin at Genie sa isang lampara

 

Repeat chorus

 

Bridge:

Kung sakali lang na di mo maintindihan

Baka masyado nang makitid at barado na ng litid

Ang iyong kaisipan

Kung di mo trip ang mga hirit na nanggaling saking isip

Wag mong pakikinggan

At basta wag mo lang idamay ang ama at ang ina mo

Sa iyong kapintasan

 

Verse 3:

Baluktot na ang industriya at para ating maituwid

Itigil na ang SpongeKumag, FemHale, at CueShet

Mga bandang nakapalda banda rito banda roon

At mga kritikong di naman talaga matalino, bat ganon?

Bat Girl (Pweh), akakasilaw, ang galing daw

Di marunong kumanta pero sikat parin, wow

Di marunong sumayaw at ang mas masaklap

Di marunong mag-rap parang De Ap na may mansanas sa harap

Ako ang tinagurian na isa sa mga pinakamalupit

Ang makatang hibang na binabalak ulit

Na muling ibalik ang tinaga at punit

Na karangalan ng aming larangang inakalang nasa ataol

Hip-hop, mahal kita kaya kita ipinagtatanggol

Ang musika parang babaeng napusuan ko

Kaakit-akit kung makahimas kaya nga ang tigas ng ulo ko

At aking nilabas ang kanta kahit may butas to

Para makabunga ng mas marami pang katulad ko

 

Repeat chorus and intro

 

Outro:

Ako si Abra!

Ah-ah-ah-ah-ah-ah-ah-ah-ah

Abrakadabra!

Oh, now you know



OTHER LYRICS

Bughaw

1998 EP
KIAL
2019 Album

Three Stars And A Sun

FreeMan
Francis M.
1995 Album

Loonie vs BLKD

FlipTop presents: Ahon 3
Various Emcees
2011 Rap Battle Verses

Bisaya! (feat. Munchito)

Bisaya!
RKteQ
2018 Single

CHOPPA

Nightmare On 66
Bawal Clan
2019 Album

FEATURED ARTICLES