Di ko inakalang, kukunin ko lahat ng tala'ng
Maaring magbigay liwanag, Ilaw ng tahanan
Ito'y gagawin ko habang,
Pasan ang mundo, walang sagabal
Di alintanang, mahirapan basta't ikaw lamang
Ang kasama ko, ang buhay ko, ang kinukunan
Ng lakas, ang meron satin dalawa, ayaw ko na to'ng magwakas
Tama ko sobrang lakas,
Ikaw ang tamang landas
Di na mapapa-atras
Hala bira, Dali na umangkas
Tara sabay nating imulat ang mga mata
Harapin ang kinabukasang hadlang sating dalawa
Hawak kamay, wag bibitaw kahit mahirapan ka
Biyahe ng pag-ibig natin, ayoko nang matapos pa
Kahit sa'n mapupunta ay makikita mo (makikita mo)
Alaala'ng di mawala'y diyan sa piling mo (sa piling mo)
Minsan saya, minsan naman ay malungkot
Malaking katanungan, kung meron pang kasunod
Bilang sa oras, ang araw na sobrang paghintay
Bilang na oras, kaya naman hindi mapalagay
Ba't di pa ba sapat, di pa makuntento
Binigay pa naman lahat, hiningi lang ay respeto
Sisisirin ang ilalim ng imahe mo
Sisisihin ang tadhana na mapagbiro
Sariwang papuri sa likod ng pang-insulto
Di ko na kailangan makinig sa mga kwentong inimbento kaya
Dinidikit ang sarili ko sa iyong mata
Pinipilit ko naman ika'y di na mawawala
Gawin ang mga bagay na di ko naman ginagawa
Di naman sumobra pero ba't parang nagkulang pa
Kahit sa'n mapupunta ay makikita mo (makikita mo)
Alaala'ng di mawala'y diyan sa piling mo (sa piling mo)
Minsan saya, minsan naman ay malungkot
Malaking katanungan, kung meron pang kasunod
Kahit sa'n mapupunta ay makikita mo (makikita mo)
Alaala'ng di mawala'y diyan sa piling mo (sa piling mo)
Minsan saya, minsan naman ay malungkot
Malaking katanungan, kung meron pang kasunod
Akin pang naalala, panahon tayo'y nagkasama
Tawa, kantyawan, inuman, araw-araw lakwatsa
Kahit san man iparada, basta chillax ang tama
Mapa-ano pa ang gawain, wag lang mapurnada
Kaya't isipin mong mabuti ang nakaraan
Panahong walang alinlangan harang pa sa daan
Kahit saan ka man, alam kong ayos lang
Okay lang yan buloy, magkikita pa naman
Sarap ng buhay, seryosohin wag tumawa
Tawanan mo ang problema, langhiya, ano pa nga ba
Ganun ang iyong pananaw, kaya't ako'y natutuwa
Kaso nga lang kasunod, tumutulo na ang luha