Verse 1:
Nagkakape habang nag iisip dapat gising
Ang lakas ko na magyosi, ngunit bakit laging bitin?
Bakit ginugusto ang sa sarili magpawasak?
Kakaibang pakiramdam nananatili ang pahamak
Naglalakad nang may saya natutuwa sa araw
Parang ibon na malaya, kaluluwa ng bayan
Kaya mapungay ang mata, lahat inaalam ko na
Sinasabayan ang paglubog ng araw, nalulungkot na parang buwan
Asa gitna ng dagat, mag-isang nagsasagwan
Nakikipagsapalaran, pangarap ang laman
Kaya mataba ang aking utak, lahat sila nagsisipag
Ako nagtatiyaga, dahil sa magkakaibang pangarap
Na hanap ng bawat isa, nawa'y maganap kahit magkakaiba ang timpla
Kahit laging pakiramdam ko mag isa
Naniniwala't umaasa pa rin na balang araw o bukas ihip ng hangin sakin ay magiiba
Chorus (2x):
Samahan mo ko na mangarap, lilipad sa alapaap
Wag kang kukurap
Saksi ang mga ulap sa pagsulat
Saking palad, ang tadhana ay natutuwa
Verse 2:
Maraming nagtanong sa paligid, bakit daw tahimik?
Simple lang sagot, nag-iisip, nagmamasid
Hindi normal katulad ng iba, iniisip pag angat
Humarang sakin ay giba
Imahinasyon dulot ng pagkabagot
Mga likhang ilusyon, problema ay nasasagot
Hirap intindihin, iba ang kulay sa nakasanayan
Hindi lahat ng tunay ay nasisilayan
Repeat chorus (4x)