Verse 1:
Mapapa tabingi ang iyong leeg sa kanyang ganda
Bagay na bagay di halata na may maskara
Tipo niya ang karapat-dapat na sinisinta
Sa likod nito anong kapalarang kay sama
Lumaki sa sunod sa luhong pamilya
Ang mga magulang na may kulang na disiplina
Araw gabi nag aaway kanyang iniinda nagmamadaling tumanda
Nang matakasan niya akala ay magwawakas sa pagdadalaga
Simula pa ng nais niyang dumihan nang mabura
Baka sa mga abusong sa isipay nag marka
Amang iniwan nang bangungot ng pagsasamantala
Labing limang gulang siya nun
Nag tago sa silong sa laki ng bahay di rinig sigaw ng tulong
Madiing hawak sa braso sabay tanggal ng bahag naglalaway
Sabik na sabik ang tatay niyang bangag
Verse 2:
Lumipas ang panahon unti-unting lumabo
Ala-ala sa libingan itinago, naglaho
Ang naka akap na takot napalitan ng bisig pag-ibig ang umako
Nang makilala niya ang magmamahal ng wagas
Nagsimula nang inayang lumabas
Una palang nakitaan na niya ng kabaitan
Magalang na lalaking pinagkatiwalaan
Pinatunayan talagang tanggap siya nang buo
Sila ay nagsama tsaka nag planong bumuo
Magkaramay sa lahat pagmamahalan ay sapat
Bunga ng pagtitinginan nagka dalawang anak
Masaganang pagsasama tagapag alaga
Naiiwan habang naghahanap buhay ang asawa
Dumating na sa wakas ang kanyang inaantay
Makatakas sa nakalipas at maging mabuting nanay
Verse 3:
Subalit isang gabi, di mapakali
Wala naman nakakatawa ngunit nakangiti
Nag dilim ang paningin bumubilis ang pintig
Biglang napaluha tila nagmamadali
Nag kandarapa sa kwarto mula sa pasilyo
May humahabol daw sa kanyang mga demonyo
Patalim ang depensa handang pumatay
Lalo na mga halimaw kamukha ng kanyang itay
Sinaksak ang isa nang sakanya'y papalapit
At sa bawat sakit tinatarakan sa dibdib
Ang natira’y gustong umakap sinalubong ng tadyak
Inundangan sa bunbunan dahilan ng pag ka biyak
Nag balik ang nakaraan na inakalang nalimutan na
Nag kalat ang dugo sa bistida at ilang ________
Nang matauhan ay humahagulgol ng iyak
Yun pala ang kanyang pinaslang ay ang kanyang mga anak