Hook:
Kinakamusta lang kita kapag nag iisa
Kapag merong problema na tambak saking timba
Sipsipin ang enerhiya mo na para bang linta
Kaya wag mo nang isipin ba't kinakamusta ka
Kamusta ka na ba? Bakit ka nag-iisa?
Pe-pwede kitang samahan at tulungan mag pinta
Siksikin sa enerhiya bawat sulat ng tinta
Para wag mo nang isipin kung sino ang may likha
Kamusta ka na ba?
Verse 1:
Dalagita, tanong ko lang naman ano ang balita?
Matagal din tayong hindi nakapagkita
Pwede ba kitang malapitan? Halika..
Pagkat kapag ikaw na ang natitikman, naaaliw, nalilibang
Nababaliw, natitigang
Aking giliw nahihibang
ako sa iyo pagkat iba ang saya na iyong dala
Sa lakas ng tama ko ay nawiwindang
Kapag kasiping ka na, ramdam ang init sa balat
Hanggang sapitin ng umaga, kapiling ka magdamag
At kahit pa, bibihira lang, makasama ka
Di masisira ang mga tiwala na nilalagyan
Pa ng ligaya na hinahagkan
Sinusulit ang bawat minuto ko sayo
Ayokong mawala ka at ayokong malayo
Repeat hook
Verse 2:
Bakit ka nag iisa? Ako ay palapit na palaging nasasabik sa
Halik sa ibaba pabalik sa itaas hanggang sa init ay mailabas
Kunwari na gumewang sabay sandal sa balikat
Humawak sa bewang sana gumana aking agimat
Kay ganda ng mapula mo na bibig at ako'y napatitig sa mata
Ikaw ang librong kabisado ko na dahil mahilig akong mag basa
Alam ko na ang gusto mo na gawin pag lipat sa susunod na pahina
Yun ay ang katawan mo ay damhin at lasapin lahat ng kakaiba
Pwedeng gawin natin ang mga bawal mabilis man o mabagal
Paitaas o pailalim, liwanag o dilim walang aangal
Kilusan natin na palihim, pag sasama na kadalasan ay bitin
Bakas na bakas sa ngiti natin sawakas tayong dalawa'y nakaraos na rin
At pagkatapos ng ating ginawa nag linis doon nag linis dyaan
Pero tayo ay biglaang tulala nag bihis doon nag bihis dyaan
Habang nakikinig sa musika napalipat ito sa lumang kanta
Di na pigilan ang init sa katawan kaya bumalik at umisa pa
Repeat hook