Verse 1:
Bakasyon na naman tayo
Kasiyahan ay nasisilip
Minsan pag gabi laman ito ng panaginip
Buong taon yan lang ang nasa isip
Kaya bawat araw sa Pinas ay sinusulit
Tatlong buwan bago lipad
Anong ginagawa ko?
Hinihintay ang petsang aprubado
(?) bugnot na sa trabaho
Naging nilalarawan sa isip ang mga plano
Pag may petsa na, wala nang urong
Oras na para mag-isip ng pasalubong
Tsokolate, damit, at pang tulong
Para masaya ang pamilya sa pagsalubong
Papunta na ng paliparan
Nagdadasal na sana ligtas ang byaheng nakasanayan
Ngiti saking mata, di na mailarawan
Kasi galak na makita bansa kong sinilangan
Yeah
Hook:
Pinas, kampay
Bakasyon na naman tayo
Pinas, kampay
Bakasyon na naman tayo
Pinas, kampay
Bakasyon na naman tayo
Pinas, kampay
Verse 2:
At nandito na, nag kita-kita na
Ramdam ko na pagmamahalan namin ay di nag-iba
Tawanan at kulitan na hindi ma-eksplika
Habang nasa hapag kumakain buong pamilya
Iba ang gising, iba rin ang umaga
Imbis trabaho, papakainin mga alaga
Sulyap sa labas sa mga naglalaro na bata
Kumustahan sa mga kapitbahay at kababata
Syempre, magpasalamat sating naranasan
Kumpleto ang pamilya pag Linggo sa simbahan
Eto yung mga oras na lungkot ay natakasan
Bahaghari, kasi nagkakulay ang kasiyahan
Eto ang pagkabata na kinalakihan
Tuwing bakasyon laging binabalikan
Ang saya kung iisipin, ang saya kung titignan
Lagi akong nagtitiis para lang ‘to ay matikman
Hook:
Pinas, kampay
Bakasyon na naman tayo
Pinas, kampay
Bakasyon na naman tayo
Pinas, kampay
Bakasyon na naman tayo
Pinas, kampay
Verse 3:
Di pwedeng mawalan ng oras sating mga kaibigan
Kasi nung kabataan yan ang iyong sandigan
Sa tagal di nagkita storya ay palitan
Mula kalokohan hanggang seryosong katangian
Walang kupas samahan na itinanim
Habang nakatambay isa-isang dumarating
Tugtugang masarap sa gabi na palalim
Inuman habang nag-iihaw lang sa hardin
Dumako naman tayo sa industriya
Kailangan din ng oras para sa mga kanta
Ilalapat ang mga obra ko na nagawa
Sa tulong ng mga kapatid ko sa musika, salamat
Sa suporta at tiwala na pinakita
Sa inyong pagmamahal di ko ramdam pagka-alila
Sa saya at galak naisalin sa melodiya
Kwento ng bakasyon na ginamitan ko ng wika
Kwento ng bakasyon na ginamitan ko ng wika
Na ginamitan ko ng wika
Hook:
Bakasyon na naman tayo
Bakasyon na naman tayo
Bakasyon na naman tayo