Chorus:
Ano bang dapat kong gawin
Wag ka munang umuwi ayoko ng bitin
Sa gabing ito pwede ba tayo malasing
Tumingin sa langit pagmasdan ang bituin
Ano bang dapat kong gawin
Pag ibig ko sayo sana bigyan mo ng pansin
Ayoko nang umasa, di ko kaya alamin
Mahal kita kahit kaibigan lang ang yong tingin
Verse 1:
Lasing na lasing
Malapit nang umaraw
Hindi ko alam
Kung dapat bang sabihin sayo
Nararamdaman ko
Kasi alam ko
Ang sagot mo
Ikaw lang walang iba
Sana wag kang mawala
Dahil andito ka na
Sa akin ka sumama
Kasi kung sino pa yung totoong
Nagmamahal hindi mo
Mabigyang pansin palagi kong
Dinadasal
Na sana ay makita mo
Na ako lang para sayo
Ikaw lang ang aking mundo
Repeat chorus
Verse 2:
Gustong magsalita
Ngunit wala kong masabe
Lakas ng loob
Ngayon ka sakin sumapi
Nag iisip kung paano
Ang unang atake
Parang laro ng chess
Ako ang unang namate
Kasi naman biglang
Nadale
Ng mahal na reynang
Aking itim na hari
Ang iyong tama
Parang alak na sakin
Pwede ba tayo malasing
Nang walang ibang kasali
Baka sakali
Hindi na puro pasakalye
Laban o bawi
Sana umubra ang
Ginagawang diskarte
Ano bang dapat kong gawin
Uuwi nalang
Gusto mo ba magpalambing
Ang natitirang oras
Ating samantalahin
Ganon ba talaga pag tinamaan
Ka ng magaling
Repeat chorus