Akala nalang ang lahat yan ang akala ko noon
Dasaling tuwing akinse at atrenta lang kung tumugon
Tuwing kada panlaman tiyan ang hingin ko sa panginoon
Sukli nya'y kaganapang ilang laway ang pinalulon
Gatas ko sa labing di ko ganong nalasan
Pag nagsabing gulugod ko lang ang di ko kayang kaharap
Pati buwan ay pinuruhan timpe ang pinuhunan
Pilas ng sulatan ko't kalendaryong di ko tinulugan
Para lang sinugal kong panahon tama nang masuklian
May dala nang kalupitan simula nung nasa panubigan
Sa kabila ng eskinita't kanto kong nauwian
Ang katunayan gintong makinang ay makikita sa putikan
Buena man... ahhhhh...
Buena manong nagtiwala sakin ay ako din
Sa panahong palaisipan pa kung san ba ako dadamputin?
Nawalan na ng ganang antukin sa dami ng dapat sabunin
Bukod sa bumbunan may diwa pa 'kong dapat katukin