Dito sa giyera na bulag, ano ba pangalan ko?
Giyera na bulag, ano ba pangalan ko?
Dito sa giyera na bulag, ano ba pangalan ko?
Giyera na bulag, ano ba pangalan ko?
Verse 1 (Calix):
Hindi niyo man lang ba kinalala, huh?
Di naman alam ang pangalan, huh?
Para makaabot sa inyong quota
Sige lang sa bang bang
Puro pera lang
Nag papaikot ikot parang ipo-ipo sa dibdib
Ang takot na tinitimpi ng sambayanag kinikitil
Kahit sariling bahay ko hindi na ligtas
Pilit na binabali ang saligang batas
Si Barabas nasa taas winawaldas ang kabang salat
Para sa agendang, ano?
Kayabangan? Kaya ba lumuluha ang lansangan?
Hindi ba kaya na itigil nalamang?
Sa giyera na bulag, ano ba ang aming laban?
Chiki-bang, chiki-bang kada kanto
Chiki-bang, chiki-bang kada ulo
Minsan solo, minsan tandem kanilang modus
Yun daw ang utos, ng kanilang pangulo
Tama bang kumitil ng kapwa, huh?
Tama bang walang hustisya, huh?
Walang pag iimbistiga?
Kalabit kalimot ang moda
Di niyo nga alam ang pangalan
Tirahan? Pamilya'y ilan?
Mga umuulan na luha, malamig na bangkay ang papatakan
Dito sa giyera na bulag, ano ba pangalan ko?
Giyera na bulag, ano ba pangalan ko?
Dito sa giyera na bulag, ano ba pangalan ko?
Giyera na bulag, ano ba pangalan ko?
Verse 2 (Tatz Maven):
Di kailangan ng mata para makaasinta
Kung kahit nakapiring pwede kang ipatumba
Isang turo limang libo iyong ulo ay
Numero sa padamihan ng mapapatay
Wala ka nang pangalan kahit di laos
Di na sinikatan buhay mo'y tapos
Pero wag mag-alala pantay pantay lang pala
Dahil tulad mo berdugo mo'y di natin kilala
Chiki-bang, chiki-bang kada kanto
Chiki-bang, chiki-bang kada ulo
Mga sigaw namin ni Renato'y nagbago
Dating sino ka ba napalitan ng sino tong naglaho
Whoa ang lansangan ay tulayan nang nalamon ng
Kapansanan kaya oras natin ay bilang
Bilanggo sa giyera kung saan lahat bulag
Walang lugar mga mulat puro berdugo na dilat
Dito sa giyera na bulag, ano ba pangalan ko?
Giyera na bulag, ano ba pangalan ko?
Dito sa giyera na bulag, ano ba pangalan ko?
Giyera na bulag, ano ba pangalan ko?
Dignidad nalang ang hinihiling
Pagbigyan naman na kami ay ilibing
Kayo'y nag hanap buhay, libo-libo ang patay
Singkwenta-mil bago niyo kami inihimlay
Hindi na nga sapat ang kinikita namin
Liwanag di makita, nanakawin niyo pa samin?
Asan inyong hiya? O inyong respeto?
Mga tao rin kami
Mga tao rin kami
Mga tao rin kami
Hindi niyo ba nakita? Mga tao rin kami
Mga tao rin kami
Hindi niyo ba naramdaman? Mga tao rin kami
Hindi niyo ba naririnig? Mga tao rin kami
Mga tao rin kami