Chorus:
Habang ako’y nagpapakamakata
Pagbibida niyo’y umaapaw
Kayo’y nagpapaka-tala
Ako naman bulalakaw
Ako’y bulalakaw
Ako’y bulalakaw
Ako’y bulalakaw
Ako’y bulalakaw
Verse 1:
Mga rapper feeling gangster. Laging ganyan ang atake
Puro gang gang. Puro bang bang. Subalit supot ka sa kalye
Mga emcee puro sex trip. Sa personal walang babae
Puro droga laging boka. sana ma-PDEA ka pare
At sa video laging trip mo. Mamahaling damit at diyamante
Puro flex ka ng narenta mo na magarang kotse at yate
Sagana sa gimik at arte at ganyan palagi
Subalit sa sulat ay matagal na kayo na walang tira na para bang matatandang mga madre
Ni walang punchline o mga quotable na mangangatog ka
Mayayamot ka. Di abot sa dalawang syllable sulat mong mga tugma
Mga buga na iisang cadence lamang ang kaya mo na madura
Mga tula na walang bahid ng literatura ang pagkahulma
Kung sinong bano sigurado siya pa yung madaming dada
Wag niyo ko yabangan tignan mo na lamang ang bawat talata na aking gawa
Aking produkto ay sobrang sariwa na parang umaga sa talipapa
Usapang letrahan alam niyo naman na isa ako sa pinaka kaya tangina ka
Chorus:
Habang ako’y nagpapakamakata
Pagbibida niyo’y umaapaw
Kayo’y nagpapaka-tala
Ako naman bulalakaw
Ako’y bulalakaw
Ako’y bulalakaw
Ako’y bulalakaw
Ako’y bulalakaw
Verse 2:
Dahil may pera sa ating eksena, ang daming nagsisidalo
Mga negosyante na paimportante. at walang naambag sa sining na to
Nagsikalat na saling pusa na nakitapak sa ating lupa
Ang titigas no? bunga ng aming pinaghihirapan ang pinitas niyo
King ina mo. organizer na kasakiman ay sagad sa litid
Magpapaevent ka at ang hirit mo na talent fee, palakpak at sisig?
Nakakabwiset lalo pag nalaman mo na malakas ang benta niya ng mga ticket
Kung wala kaming mga artist, magkakatrabaho ka lang sayong panagnip
Mga major label, simula’t sapul ay mga scammer
Sa kontrata ay makacancel creative freedom ng mga rapper
‘yong mga handler, milyon ang kita, Habang yung sayo ay barya lang sir
Ang mas hassle. sila pa may-ari ng pinagpaguran mo na mga master
Mga cancer sa ‘ting kultura. At matagal na to na gera
Mistulang mga linta na sumipsip ng dugo sa ugat ng pinaglalaban na karera
Mga huwad nakihawak sa ating tinataguyod na bandera
Subalit litaw din ang tunay na kulay kapag ang usapan ay pera. Burat ka punyeta
Chorus:
Habang ako’y nagpapakamakata
Pagbibida niyo’y umaapaw
Kayo’y nagpapaka-tala
Ako naman bulalakaw
Ako’y bulalakaw
Ako’y bulalakaw
Ako’y bulalakaw
Ako’y bulalakaw
Verse 3:
Nagpapakatala kaya nagpapakamaton
Puro lang amba ngunit makatang patapon
Uppercut ang aking mga bara mga tsong
At punto ko may hook parang tandang pananong
Kung madumi yung sulat talagang masasabon
Magiging lit ka lang pag bumuga na ang dragon
Ako’y katana ng hapon at bala ng kanyon
Kaya naman sabog ka sakin ako’y ganjang nasa bong
Mapapasabak ka ngayon
Lalo na kung ang kultura ang napili niyong pitaka
Pasimple niyong tirada
Sabay sa agos para magnakaw parang bang dagat pasipikong pirata
Kapiling niyo na kwarta ang kasiping niyo sa kama
Mga feeling tong makata na weakling tumalata
Baliin kumpiyansa. Panis inyong brigada
Sa lirikong hiwaga ng likidong espada