Hook:
Sabado
Linggo
Sulit na ba yan
Bangon na
Ligo
Lunes nanaman
Chorus:
Lunes na naman
Sang linggo uli makikipagsapalaran
Lunes na naman
Gagapangin mga araw hanggang malagpasan
Lunes nanaman
Tatahakin ang kalbaryo tungo sa kawalan
Lunes na naman. Lunes na naman
Verse 1:
Paglabas ng ‘yong tahanan
Matindi na init ng araw ang yong kalaban
Karagatan ng sasakyan ang kasabayan
Kaya almusal mo ay kapal ng usok sa lansangan
Akyat sa overpass na bundok ang taas
Balyahan sa sakayan. Hanep sa lakas
Puno yung jeep, kaya sabit sa labas
Late ka na nga tapos yung tsuper magpapagas
Tayuan sa bus. Di ka makakaiwas
Yung MRT parang lata ng sardinas
Sa tawiran lahat kumakaripas
Sabay praning ka rin sa snatcher na matikas
Alikabok at dungis — doon ako babad
Umaga pa lang — pagod na ‘ko agad
Kinakaladkad ko ang sarili ng sagad
Lunes pa lang pero akin nang hangad yung
Hook:
Sabado
Linggo
Sulit na ba yan
Bangon na
Ligo
Lunes nanaman
Chorus:
Lunes na naman
Sang linggo uli makikipagsapalaran
Lunes na naman
Gagapangin mga araw hanggang malagpasan
Lunes nanaman
Tatahakin ang kalbaryo tungo sa kawalan
Lunes na naman. Lunes na naman
Verse 2:
Sa classroom nakaupo. Nakakabagot
Pagsusulit nanaman. Di ko alam ang sagot
Bakit ba kasi ako nagpapapasok
Bayad tuition para pagalitan ng prof
At sa trabaho yung routine nakakaloko
Walang bago paikot-ikot na ng todo
Kaya ako sobrang umay na at yung boss ko
Ba’t ang labo puro bunganga pa yung loko
Para sa ano? Sa bills nanaman
Mag-break-even sa gastos. Kakasawa na yan
Para daw makaambag sa sambayanan
Sa magandang ekonomiyang di ko maramdaman
Salita’y matulis
Gusto ko lang ng day-off na sulit
Ngunit bakit ang layo ng lunes sa biyernes
Pero ang lapit ng biyernes sa lunes. Putik
Hook:
Sabado
Linggo
Sulit na ba yan
Bangon na
Ligo
Lunes nanaman
Chorus:
Lunes na naman
Sang linggo uli makikipagsapalaran
Lunes na naman
Gagapangin mga araw hanggang malagpasan
Lunes nanaman
Tatahakin ang kalbaryo tungo sa kawalan
Lunes na naman. Lunes na naman
Verse 3:
Para saking mga magulang
Sa asawa’t mga anak
Para di na magkakautang
Para pagkain ay sapat
Para pang-pagawa ng bahay
O sa renta di magkulang
Sa negosyong aking pakay
Kasi ayoko mamasukan
Ang lunes ay pangakong merong pag-asa
At ang lunes ay pangakong bukas ay masagana
At ang lunеs ay para sa mga nangangarap
At ang lunes ay para sa mga walang awat
At ang lunes ay para sa gusto ng direksyon
At ang lunеs ay para sa buhay may intensyon
At ang lunes ay para sa meron pang misyon
At ang lunes ay para sa mga may ambisyon