Verse 1:
Bakit hindi ko maintindihan?
Sino ba at nasaan ha?
Ano siya, anito? Superhero?
Tagarito ba o baka taga buwan?
Ano ba yan? Gawa gawa lang ba ng tao?
O kabaligtaran, tulad ni Adan?
Yung totoo, di mo alam
Ayaw maki-alam
O wala ka lang pakialam?
Andami nang namamatay, pumapatay
Nagpapakamatay at nabubuhay sa mali
Mga bata’y nadadamyay, sa mga away
Ang gulo na ng mundong na kulang sa pansin
Puro pa gera, dulot ng pera
Nakakalungkot, bat ka ba ubod ng dedma?
Punyeta! Retreat sa kweba
Oras na ma-Sodom at Gomorrah
Tong buong planeta, teka
Chorus:
Kay rami nang tukso nandiyan at lalapit sayo
Mga matang nakasunod
Nakabantay, naglalakbay
Sa pagitan ng dilim at ng liwanag
Mapait ang katotohanan
Sa mundong makasalanan
Verse 2:
Pano kung walang kabilang buhay?
Pano niyo kami matutubos?
Pano kung wala pa ring patunay
At yun ay kasi wala naman talagang Diyos
Na bwakaw magpasamba
Kung ayaw mo daw mananalanta
Pero ganun pa rin naman kahit magdasal ka
Tingnan mo Deuteronomiyo kung mapagmahal siya
Nasan na ba kasi yung ebidensya?
Mukhang natakpan ng piring ang sistema
Mga pruweba ng primitibong siyensya
Mahirap tanggapin na para ding penitensya
Sentensiya, sa mga mapang-abuso
Kontrolado utak kapagka hawak ang puso
Punto, san patungo ang relihiyon?
Sa katapusan ba ng mundo o sa Panginoon?
Bat ganun?
Repeat chorus
Bridge:
Minsan di natin nababatid ang kamalian ng lahat
Na siyang kay hirap tanggapin
Kahit iisa ang kinikilalang diyos ama
Ang tanong, bakit yata parang dedma yung iba?
Verse 3:
Nasaan? Nasaan ang kaligtasan?
Kapag naghiganti na si Inang Kalikasan
Delubyo tapos tuhog sunog, chicken inasal
Halik ni kamatayan sa kamay ng kabihasnan
Sino ba dapat sisihin para sa kasamaan?
Demonyo ba o malayang pagpasyang may kapatawaran?
May kaluluwa po ba talaga yung katawan?
O kathang isip lamang ng mga takot sa kawalan
Kaya ngayon ang bendisyon
Maliwanagan parang Thomas Edison
Kahit mabusisi, alam ko sa sarili ko
Di ko kayo kinikwestyon, malayang desisyon
Kasi imposibleng inembento ka lang
Sino ang arkitekto? Sikreto nalang?
Perpekto lahat pwera tao disenyo pa lang
Ang tanong, bakit ganon? Yan ang palaisipan
Repeat chorus