Salamat sa masasayang alaala. Pananatiliin naming buhay ang legasiya mo.
Oo, totoo ang balita. Ngayon araw (ika-27 ng Pebrero 2025) ay pumanaw na ang FlipTop emcee na si Romano. Ito ay dahil sa isang malubhang sakit pero ganunpaman ay hindi basta-basta sumuko si Romano. Nilabanan niya ito nang ilang linggo! Patunay na hindi lang siya sa battle rap malakas. Kami ay taos pusong nakikiramay sa mga naiwan niyang mahal sa buhay. Maaari pa rin tayong makatulong sa kanila sa pamamagitan ng pagbigay ng donasyon. Eto ang numero ng GCash account: 09532982172 (Romano T). Merong access ang kapamilya niya diyan.
Mula Cabanatuan, nakapasok si Romano sa FlipTop nung taong 2014. Agad tumatak sa tao ang kanyang kakaibang stilo at matinding agresyon. Benta lagi ang jokes niya pero sumasabay din siya sa gaspangan at teknikalan. Isa pang sandata niya ay yung kakayahan niyang ipaghalo ang written at freestyle sa mga rounds. Hindi nagtagal ay kabilang na siya sa mga bigating emcees ng liga. Naging finalist siya ng Isabuhay 2015 at semi-finalist naman sa Dos Por Dos 2017 kasama si J-King.
Rest in power, utol Romano. Maraming, maraming salamat sa lahat ng mga alaala. Napakarami naming mga napasaya mo hindi lang sa’yong mga laban kundi pati sa’yong mga musika. Sa labas ng rap, isa ka sa mga pinaka kalmado at humble na tao. Pananatiliin naming buhay ang iyong legsiya sa pamamagitan ng patuloy na pagsuporta sa mga sining mo. Hanggang sa muli, tol. Mahal ka namin!