Verse 1 (BLKD):
Pagkat ang tae (Tae!)
Ilagay man sa magarang sisidlan ay tae pa rin (Tae pa rin!)
Madumi, mabaho tawag ma'y ibahin (Tae pa rin!)
Parang ulo mong bato, dapat lang tibagin (At gibain!)
Ang huwad mong karangalan -- Hoy salarin
NEVER AGAIN! Kaming magpapalinlang
Tanggapin lang mga bintang mga diktang wala sa timbang?
Langhapin ang lansa ng dugo sa kamay na bakal?
Malamang bakal na ang tanganan ng taumbuayan sa pag-angal
Aral na sa 'min mga pilit nyong tagumpay
Bunga ng pagmamaneobra nyong walang humpay
Humalakhak hala (Tanga!), hindi pa huli ang lahat
Kumalampag lang lalo kayo sa galit naming naghahanap
Ng katarungan, kasagutan, kabayaran sa mga utang
Kagaguhang natabunan ng basura sa kangkungan
Kaya't alang-alang sa alaala ng mga unang bumaka
Tuloy ang paghahasa ng sandata
Pagkat lamang mo lang naman ay ang laman ng 'yong bulsa't ngalan
Walang alam na sa kalam ng tyan ay lalong tumatapang
Ang alab ng puso ng masang lumalaban
Hindi ka titigilan hangga't di ka gumagapang
Sa lusak, sa burak, sa basurahan ng kasaysayan
'Gang mabura sa mga utak ang kinang ng 'yong pangalan
Mamamanipula nyo midya at gobyerno
Pero mananagot kayo sa korte ng mga tunay na supremo
Verse 2 (Calix):
Bakit ba kailangan mo lokohin ang katulad kong naghihirap?
Lugmok na nga sa putikan
Pilit mong pinapasok, at gamitin sa pulitika
Ang kalagayan na araw araw naming kinakalaban
Tinitiis habang ika'y naliligo sa kayamanan
Na nag mula sa kaban ng bayan
Kami na nga ang ninanakawan
Kami pa ang kailang lumuhod, kutyain
At pagtawanan
Ibalik mo na ang saamin ay nararapat
Ang kapal ng mukha mo, di tayo pareho ng tinatahak
Ilang dekada mong inabuso ang bansa
Hindi pa nga naghihilom sa sugat na dala ng giyera
Utang sa iba na kami ang mag babayad
Pasan-pasan hanggang sa dulo ng aming angkan
Hanggang sa kaapu-apuhan
Katarantaduhan
Anong ginawa namin sayo para paglaruan?
Ang buhay ng sang daang libong iniwang duguan
Magigiting na taong bayan, kalayaan pinaglaban
Kahit patay ka na, tignan mo nandyan pa
Napaka-laking peklat ginawa ng gobyerno mong corrput
At ngayon, nag babadya. Na sumunod sa yong yapak
Ang anak na di marunong lumuhod, humingi ng tawad
Putang ina mo! (Marcos)
Putang ina nyo!
Itataas ko ang bandera ng mga nalulugmok sa kahirapan
Oras na para lumaban
Oras na para bumangon ang bayan, sisikat araw
Sa mga may tiwala. Di alinlangan ang kagaguhan
Di matitinag, di matitinag!
Kapit kamay, ang pagbago magsisimula sa pagtutulungan
Di matitinag