Album

Binary (feat. Rambling Man)


The Lesser Of Your Greater Friends
Calix
Producer: Serena DC
2017

Calix:

Tikas mo pala (macho)

Di maka-laba o maka-hugas ng pinggan?

"Mabuti ng batugan kesa sa mahusgahang alambot"

Imaheng iyong ina-alagaan binary ang galawan, naka-base lang sa ari

Porket may lawit, ikaw na ang nagmamay-ari ng mundo?

Akala mo lahat nalang sayo?

Kasing liit lang naman ng etits mo yang utak mo

Sa daan, walang papipigil

Kung makatitig sa babae, nababaliw, sa sobrang gigil

Malibog din ako, pero hindi katulad mo

Di ko kailangan mambastos dahil sa kalibugan ko

May dahilan kung bakit ang utak nasa bungo

Hindi nilalagay sa loob ng iyong pantalon

Kung totoo ang diyos, sige, syang nga ay lalaki

Abandonado ang anak, at nagtatago lang sa langit

Kung maka-hingi ka ng respeto kala mo pinaghirapan

Ang sariling mong ina hindi mo nga maalagaan

Yung kapatid mo nga hindi mo mapagtanggol

Sya pa may kasalanan dahil sa shorts nya na ulol

Ang mga tambay doon sa kanto. Bakit di mo mapatulan?

Akala ko ba macho ka? Bat di mo nga lapitan?

Ipakita mo nga na macho ka? Suntukin mo sa bunbunan

Nasaan ang pagka-macho mo, kung babae lang ang papatulan?

Walang kwenta yang pag-flex mo kung ang kontexto ay machismo

Matapang ka lang pag nasaktan na yang napakaselan mong ego?

Nanggigigil pag babae nangunguna?

Mahalaga ba yan sa kalidad yang katangahan na pinapairal?

Ano ba ang mahirap sa pag respeto ng kapwa?

Ito na ba ang hangganan ng iyong diwa?

Kahibangan na kayo lang ang mga tao sa tuktok

Yung akala mong matigas sayo, yun pa ang marupok

 

Rambling Man:

"Kilala mo ba kung sino ako?"

Yan ang bitaw ng mga siga-sigaan

Sa kahit anong lupalop ng bansang ito

Pinangalanan, kilala ko si ganito't ganyan

Kaya't wag kang bubunggo kung di mo papanindigan

Kala mo naman kung sino, eh chinuchupa mo lang

Yang tatay-tatayan mo na iyong pinagyayabang!

Ang Padrino, ang Amo, yan ang sanhi ng sakit

Ang lalakas ng loob dahil umaasa sa kapit

Kapalit ng indibidwalismo: seguridad at samahan

Dibale't nang sunud-sunuran basta't walang iwanan

Walang iwanan sa panloloko't panghahalay

Panggagamit mo sa kapwa diyan ba dapat nakabatay?

Ang pagiging tunay na lalake? wala ka lang bayag

Na gawin ang tama dahil labag sa gusto ng iyong brod

O ano brod? akala ko matapang ka?

Bakit di mo kayang tumayo't magisip magisa?

Usisahin mong mabuti ang pinagmulan ng takot mo

Wag mong ipagpalit ang pagkalalake sa pagkatao mo

Dahil ang katapangan ay walang kinalaman

Sa pagiging lalake't babae o ano mang kasarian

Prinsipyo, kabaitan, katarungan, dignidad

Yan ang dapat batayan ng karunungan at kalidad

Hindi sintensya sa preso o yang street cred mo

Mahiya ka sa mga nagsusumikap umasenso

Na mas mahirap sayo pero walang tinatapakan

Mabigat ka nga tol, pabigat ka lang sa bayan

Hindi lahat ng siga'y nagaanyong lalake

Daig ka pa ng batang nangangalakal sa kalye

Daig ka pa ng tagabili ng dyaryo't bote

Daig ka pa ng masunuring estudyante

Daig ka pa ng taong mapakumbaba

Daig ka pa ng nanay na nag aaruga



OTHER LYRICS

Anino

Fatigue
Assembly Generals
2019 Album

Day One

Party Worker
Bambu
2014 Album

Higher Learning

Higher Learning
Space Impakto
2016 Single

Para Sa Streets

Para Sa Streets
Hev Abi
2022 Single

Arthur Morgan

INDOORS
Rjay Ty
2022 Album

FEATURED ARTICLES