Verse 1 (Calix):
Sinong binilog mo, boy? (Sinong binilog mo, boy?)
Di mo kayang ikutin ang lawak ng mundong ginagapang ko, habang apoy
Sa puso at kaluluwa tumutulak sakin para lang hakbang ay ituloy
Sa araw-araw ang agahan ay sugat, mata ko ay namulat sa realidad
Kaya sinong binilog mo boy? (Sinong binilog mo, boy?)
Sikmura, dibdib, at bungong pinatibay
Ng bagyong sumalanta sa aking buhay
Lahat ng bira sa akin ay hindi tatabla kaya wag mong subukan
Anino ka lang na gawa ng ilaw, ako ang kadiliman ng sanlibutan
Kaharian ng mga peke lang ang galawan. Walang namang laman
Ako ang masong gigiba ng marurupok ninyong pundasyon, para magka-alaman
Nakuha nyo lamang ng pera, hirap pawis dugo ang aming pinuhunan
Kayo yung mga lobong matatas ang lipad, kami yung mga lobo na pangil ay duguan
Mga ginintuang leeg kuno, koronang suot-suot ng mga ulo nyo
Pag tinabas ang balat ay lalabas na tanso lang pala ang laman nito
Mga huwad na nga, mga halang pa ang kaluluwa
Di nyo kami mapapatumba, kami ang kawayan sa bagyo ninyong mala amihan
Chorus (8-bitfiction):
Ako ang buwan na iyong tinitingala
Ang tala at iyong kinatatayuan
At kung ako'y sinisinta na may galit sa'yong mga mata
Kailan pa man ay di kita manlang naramdaman
Verse 2 (Goriong Talas):
Sinong ginago mo, boy? Lunod at lubog sa kumunoy, giba!
Ulo, gitna't baba. Butas ang lahat ang laro ay pusoy
Sunog at lapnos dala naming apoy, wikang nagpapadugo ng diwa
Ito'y balinguyngoy, di ka makakalabas sa pinto na
Kinandado sobrang delikado mga duplikado sa loob ng kwarto
Kargadong mga edukadong pagtumodas mas mabilis pa
Sa alas-kwatro impunto
Galawa'y eksato
Eksperto sa metro
Birador sa engkwentro!
Kaya dagit sa karit ng galit at lait ng kalawakan
Ang sabit na kawit napunit, naipit sa bingit ng kababawan
Di kaya sabayan at mapantayan, aabangan at tatambangan
Ang kamalayan ay natabangan kasi lalim ko't tubig sa pantabangan
Ito ang misteryo, komplikadong konsepto na dinisenyo ng mga henyo
Mata ng utak ang tanging sanktuwaryo
Buhay na panaginip ang aming imperyo
Hinulma ng lumang sentenaryo
Marami pang bilog, para bang rosaryo
Halat kami hubog, di nyo magagago, hoy!
Repeat chorus
Verse 3 (Batas):
Sinong binilog niyo, hoy
Ako'y espesyal habang lahat abnoy
Kayo'y ulo ng kultong nasiraan, chong
Kahulugan nun malabo, manalo
Nakakatimang yan para bang pinaslang
Kaya ko magpaiyak ng bato
Sibak lang kayo (Sibak lang kayo)
Mga bara ko pag niranas 'tol
Parang palakol, iba pakiramdam
Parang kabilang kamay ang ipang-jajakol
Romano kayo na sundalo kung susumahin
Kasi nga palad lang ang nakakayan ninyo
Na butasin
Sangalan ng diyos ama, hesus, anak
At espirito santo. Amen
Kahit may mali sa hirit ay nakakabilib
Maski di kayo umamin
Papel ko nasa biblya, kayo na ang magbalot
Pero tuhod ko ang titigas
Pag may tamaan tiyak sabog
'gat ako lang mag-sisiga
Sinindihan na ang damo
Walang awat sa paninipa, ako'y askal kung mag laro
Batas pangalan ko (yeah) at alam nyo yun
Siguradong gago, Illustrado kamo
Basag mga mukha nyo sa mga linyang may kamao!
Repeat chorus
Verse 4 (Sayadd):
Sino ba ang kausap mo? Baka sya ay kausap din
Ng mga naka-usap ko, saan ka nga ba dadalhin?
O? Ano nga bang gagawin? Hindi ko tanda
Hindi nga ba talaga o baka hindi ka handa?
Na saluhin aking ninanais
Makatanggap ng di mo ninais
Pagkukulang mo sa gulang
Yaang kulang mo lumabis
Natural ka na mapapanis kung kapital mo tanging laway
At ako'y hindi parin mauuga sa aking hanay
May medyo katulad, medyo hawig. Medyo, oo, medyo
Lahat ng yan ay gunini, maliit lamang na dibidendo
Walang medyo ako kung hanap ninyo ay depekto sa disenyo
Mas gumagana ako sira
Sira walang remedyo
At hindi mo narin naman hahangarin
Na maging normal ako pagka't yaan
Ay mangyayari lamang pag sumayad na lahat
Walang limitasyon ang walang sukat
Walang hangganan, walang simula
Ang sanhi laging namumunga, walang makakawala