Verse 1:
Bukas na ang liwanag
Pumikit na ang dilim
Di ko na maaninag ang tunog ng mundo natin
At bakit ganito ang nangyayari at pakiwari
Kasamaan ang nag-hahari
At lagi lagi nagaganap
Di makatakas sa dinaranas
Ito na bang pasimula ng mga wakas
Ang pag dating ng mga salot
Ang bumabalot ay takot
Sa bawat isa ang dinudulot
Wag mag taka darating na ang hinaharap
Ang naganap na ay muling magaganap
Oras na eto na, oras na ng paghahasik
Ang kadiliman ay muling nag babalok
Di maiwasan, di matakasan
Ang kaligtasan ay nasan at nasan
Sa kaliwa, sa kanan
Likod man o harap
Nahalayan, patayan
At maraming pag hihirap
At labis labis ang kapangyarihan
Sa sumasakop sa isipan
Ng sangkatauhan pananakop
At pananakot lumalaganap
Dugo sa putikan kumalat at dumanak
Bakit kailangan mangyari ang mga bagay na ito
Ano bang kapangyarihan
Ang sumasakop sa mundo
Ang kaganapan na ito
Ay bunga ng `sang digmaan
Ito na ba ito na ba ang katapusan
Chorus:
Isabog ang lagim digmaan
Isabog ang lagim
Tamaan ang tamaan salita ay kamatayan
Isabog ang lagim digmaan
Isabog ang lagim
Tamaan ang tamaan salita ay kamatayan
Isabog ang lagim digmaan
Isabog ang lagim
Tamaan ang tamaan salita ay kamatayan
Isabog ang lagim digmaan
Isabog ang lagim
Tamaan ang tamaan salita ay kamatayan
Verse 2:
Ako'y nakatayo sa gitna ng digmaan
Tamaan ang tamaan salita ay kamatayan
Maging handa kasamaan ay nag lipina
Oras ng paghuhukom wakas na ng panimula
At wag matakot, wag mag alala
Ihanda na ang sandata ang dila ang ispada
Wika ang granada
Armado ng liriko sapagkat ako'y sundalo
Kawad ng apokalipsis
Ang tanging mag lilitis
At tutugis sapagkat ang tinig ko'y isang trumpetang
Gigising sa mga nag babalatkayo't nagpapakatao
Sa labang ito mahirap magtiwala sa gitna ng digmaan
Di malaman kung kalaban o kakampi mong bulaan
Kami ang natirang sugatang naiwan ang iba'y
Nasilaw at nabulag sa katotohanan (dapa!)
Humanda ka sa pag sabog
Nakakalason, bumabaon sa isipan
At hindi na mag lalaon
Pumikit ka man
Kaliwa't kanan ang nag lalaban
Ang himig, ang tinig
Upang paniwalaan
Ang bawat isa'y propeta
Mag ingat ng (?)
Babala mag ingat sa mabulaklak at tamis ng dila
Ang langit ay nag didilim hindi ko maaninag
Kami'y nasa dilim upang hanapin ang liwanag
Matira buhay, buhay ang matira
Na lumalaban nang maiwan duguang naka ratay
Na mag isa
Repeat chorus (2x)