Verse 1:
Kumusta na? Matagal na tayong di nag-usap
Alam ko na pag-ibig mo sa akin di masukat
May mga anomalya lang na aking ikinagulat
Pagkatapos magsuri at kasaysayan hinalukat
Una sa lahat nabuhay ka ba talaga
Walang pisikal na patunay kaya nakakapagtaka
Wala yung krus, damit, o bangkay na nabulok
Sumalangit pati katawan? Yan ay maginhawang palusot
At bat ako maniniwala sa banal na kasulatan
Kung lahat ng may akda ay mga tao lang naman
Na tulad ko, kaya bakit ko pa babsahin yan
Ni wala ka ngang sarili na librong kasama diyan
Di ako namimilospo o nanggagago
Pansin ko lang naman kasi ang bibliya’y palyado
Salita ba ‘to ng diyos o salita ng tao
Pakisagot naman at magkaliwanagan tayo
Chorus (2x):
Pasensya na kung ako’y nagmamatigas
Ang pagiging mapanuri, sa akin ay likas
Sa banta ng impyerno, sino sakin magliligtas
Mesiyas ba ng tao o taong anyong mesiyas
Verse 2:
Nilikha ng diyos ayon sa kayang pagkatulad at larawan
Ibig sabihin nun ang diyos ama’y makasalanan
At sinong sabog ang nagsulat tungkol sa pag-gawa
Ng mundo kung ang tanging saksi ay ang diyos ama
Kung anong laman ng biblia, katotohanan yan
Di dapat ako magduda kaya magtiwala lang
At kung hindi, impyerno ang kababagsakan ko
At kung mangyari yon, mahal mo pa rin ako
Umanib nalang kaya sa mga Iglesiang talamak
Kaso sino ang pantas at sino ang tanyag
Lahat sila proklamado? Hindi ko yan tanggap
Isa lang dapat ang tunay pero tunay silang lahat
Iba’t ibang doktrina ang hatid ng mga ito
Iba’t ibang interpretasyon kaya naman nakakalito
Sila-sila ang nagtatalo kung sino ang balido
Eh ang basehan lang naman ay iisang libro
Repeat chorus
Verse 3:
Sino nagsabing meron akong mahahagkan
Na paraiso kapag pumanaw na ang laman
At sino nagsabi na totoo ang mga yan
Ayon sa kasaysayan, hindi ba tao lang naman
Kwento mo pinagpasahan ng daang-daang taon
Pero walang lehitimong patunay hanggang sa ngayon
O ano? Aking lohika hindi mo matibag
Kaya hindi ka diyos, ika’y alternatibong realidad
Ang pagiging mapanuri - makasalanan ba
Eh mas kasalanan sakin ang bulag na pagsamba
Kasi pano lang na hindi totoong nandiyan ka
Habang buhay akong mananampalataya sa wala?
Aking mga paratang - sana nga mali to
Kasi sino ba naman ang aayaw sa paraiso
Kaso mukhang hindi kasi matagal na ‘kong namulat
Sa dami kong sinabi, wala pala ‘kong kausap
Outro:
Oo, wala akong kausap
Mukhang tanga lang
Tang ina