Hook (2x):
Anong masasabi mo, pag sinabi kong ikaw lang at walang iba
Oh andito na tayo, dito na tayo, ikaw lang ang mahal sinta
Pino G:
Maglakad sa gilid ng karagatan, tanging liwanag lang mula sa bilog na buwan
Ang mga nagniningning na bituin ang ating mga saksi oh
Apelyido mo papalitan ng akin, pag nahulog ganun kalalim
Tulog na damdamin ko salamat ginising mo, nang mahulog iyong sinalo rekta sa piling mo
Kung pano ko pahalagahan ang aking musika, matik na ganon din ang pagtrato sa kanya
Di to trip baby seryoso to, gusto ko lang naman ay dinggin mo
Alam mo ba ikaw ang nakikita sa tuwing nakapikit ay mas malinaw
Dinidikta ng puso wala nangg iba kundi ikaw
Repeat hook
GFAB:
Ang kinang ng mga tala ay mukha mong nakikita ko
Hiling na sana palagi ay kasama kita dito
Oras ko ay sayang sa bawat segundo na wala ka
Ganito ko talaga, gusto ko bawat sandali mapadama ko na mahal kita
Sinasabi ng puso ko ay, ikaw na nga wala nang papantay
Nakataas aking kanang kamay, nangangako sa iyo
Na ikaw lang ang aking iibigin hanggang sa huli
I promise to you baby girl, di ako mag babago always gon' be me
I promise to you
Repeat hook