Kung magsusulat nalang din pag-iisipan ko na
Nakabara kong lihim pano ba isisinga
Mabulaklak na mensahe kagat ng prinsipe na
Sa kabilang ibayo may sinisipat
Parehas lang tayong dinaig ang mga kulog at kidlat
Kesyo hiwalay ating kwarto’t mga puno lang agwat
Ano bang klaseng pantasya ‘to parang asa alamat
Parang pinagtitripan tayo ng tadhana dalawa
Hiya ko hindi mawala
Di alam bat sayo ganto ‘ko sa iba walangya
‘Di alam bat sayo nabobobo, natataranta
Gusta ka angkas sa auto bintana nakababa
Music natin nakatodo ako lang nakagawa
Na pasayahin kang tunay ang gusto ko na maging
Kahit nasa siyudad tayo ‘pag anjan ka ay hardin
Ang paligid kahit may onting alangan
Pagkat ang lihim ko ‘di mapakawalan kung alam mo lang
Ang sarap mo pagmasdan sana kaso ang lakas mo makiramdam
Atleast alam kong alam mo
Kahit walang balitang umaa-bot na ikaw ang laman
Na tumatakbo sa isip ko, pano ba pag-ibig mo
Susubok sana kaso ayaw kita na nabibigo’t
Hawa ko pag baliktad ang ngiti't pangit ang gising mo
Pakiramdaman natin malakas ‘di matanggi
Posible ang imposible ‘pag tayo nagtabi
Sa dila may isang hati na lusaw, oh ang sarili nadinig
Saking tanim malaya ka makidilig
At ang yakap ko’y bukas para sayo
kahit parang may kuryente ‘pag ang balat natin ay nagtatagpo
Kahit asa lang sa swerte’t kapalarang galaw ko
Kasi ayaw ko tong masayang kung ganto lang ay ganto nalang
Kesa naman meron pa ‘kong sabit na masambit
‘Di bale na hindi tumama kesa na magkamali
Kung alam mo lang
Yo
Galawin mo naman ang iyong baso
At hindi ko maiwasang magparinig sa kanta
Pagkat ‘di ko alam san aabot ang pakiramdaman nating dalawa
Na parang walang katapusan
‘Di ko nga alam kung pano papadinig sayo ’to
Masyado yatang personal
Pero nakakatawa lang ‘pag nadinig ng tropa ‘to
Wala silang kamalay-malay ikaw salarin
Pero ‘di ko din masabi eh pano kung niloloko lang ako ng isip ko’t
Lahat ng ‘to’y ako lang din ang may alam
Kaya yugto ng buhay ko ngayon pinangalanang “Kung Alam Mo Lang”
Umiikot sa wala lang
Mga gusto sabihin dinaan sa sining mga mensahe ko’t nararamdaman
Sana di ko masira, gawa ng liham kong tapat
‘Di maligpit ang emosyon ko pa sayo ko ay kalat
Ebidensya ay dahan-dahan na rin lumalabas
At nadarama ko sayo palakas ng palakas
Kung alam mo lang