Chorus:
Hindi ko susuko kahit sabihin mong mahirap
At hindi ko susuko hanggang ang bituin, kumutitap
At patuloy ang laban, hanggat ang puso ay kayang
Ipagpatuloy ang laban hanggang sa dulo'y lalaban/
Verse 1:
Ako'y nasa stage, sinisigaw ang pangalan
Nag aapoy na si Saint, bumibitaw ng ratratan
At lulundag pa sa fans na alam lyrics ng kanta
Sabay tunog ng alarm at panaginip lang pala
Nagising akong ang lahat ng unan nasa sahig
Nakanganga nung natulog, lalamunan ay malamig
Natauhan nung mabatid ko na wala si Saint sa concert
Nasa kwarto ako at di ko ka-jam ang Asia's song bird
Tagaktak ang pawis, mga laway kong dun sa unan pumatak
Ay napani nasa lapag ay hinagis
Tapos inat sabay bangon, at dinala na ang gamit
Tapos kagat pa ang lapis, nilapitan ang radyo at
Sabay salpak na kay Aries at aaralin ang Matrikula
Mula pa sa panimula hanggang sa mapanis ko na
Nang maalimpungatan na ko alas singko na
Trabaho na, ganto buhay para sa aming dukha
Pero..
Repeat chorus
Verse2:
Itataya ang pamato pati na ang panabla
Kaya hanggang sa trabaho, gumagawa ng kanta
Yun lang wala nang iba na para bang takot sa misis
Nakahawak sa pangarap na rap ang sagot sa crisis
Kahit saglit nakikigamit ng beat
At sa mga recording sessions ay palaging sampid
Pero di tulad ng iba na ang suot laging terno
Binubukod ko sa sweldo ang pangbuo ko ng demo
Nung may demo nang hawak, takbo sa estasyon ng radyo
At the best daw to, panalo, perform ko daw sa tao
Sabi pagsapit ng March may gig, malapit sa bar
At dun ko daw kantahin to kase madami daw stars
At dun sa gig, sa may stage, inabot kay Slick and sly Kane
Ang demo cd'ng malupet, music and lyrics by Saint
Astig daw, ang buhay ko'y nadagdagan ng silbi
Sarap ng feeling kahit pinakinggan man o hindi
Kaya..
Repeat chorus (2x)
Verse 3:
Ilang taon ang lumipas, eh lalo lang gumaling
At ang dilang hasang hasa na'y lalo pang tumalim
At ako lang po sa net, ang taong bago na vet
Ginu-Google ang metaphors ko bago pa ko ma-gets
At makabago ang technique talo pa yung bagets
Rhyme schemes at wordplays halo halo na, shet
Gwapo pa ko at yes, sa pagtula ay da best
Ang hindi bumilib sa akin, naku, palo sa pwet
Binentang libre ang kanta ko, yun sumuko ang pirata
At paroroonan ng career, sa Diyos ko tiniwala
Di natutong maghinala, wag umurong, magtyaga at
Balang araw makakain ko niluto kong nilaga
Wag kang tititig pag aking letra'y nagsiklaban
At bulag kayo na para bang sa gera may nagflashbang
Tenga ang kailangan, ako'y merong taktika na
Sa sobrang pamatay napapa "teka lang" si Batman
Gusto ko ma-sign para sa pera't kasikatan
Kahit pwera kasikatan basta pera'y laging andiyan
Pero kung gusto nyo ako magsell out, benta aking
Kaluluwa tatanggihan ko itong pera, kahit sayang
Sa nilagi ko sa earth, ako'y maraming natutunan
Sa kanan ang pasa at wag gawing kanin ang pulutan
At palaging may gustong sumubok sa tatag mo
So kahit san ka pumunta, dalhin mo ang bayag mo
Si Kiko, di sya sumuko, si Santo di rin susuko
Paaapawin ng talino utak ko hanggang sa gilid tumulo
Para ang liriko'y puro babarakuhin ang laro
At hindi papapasukin ang bano
Pinong lines ang bagsak, so, genocide na ang wack
Ang utak ko milyon milyon nang kilobytes ang na-hack
Beef with me? Si Saint Mike ay hindi mo kaya sa track
Propesyon ko to, at ako ang Leonidas ng Rap
At hanggang ang namumuno ay sila na tanga
Magsusulat ng liriko hangga't dilat ang mata
Gagawa ng mabigat na kanta, dapat sila maghanda
Sa Tagalog Rap na di kakahiya sa madla
Utak ko'y naka unli, ang lyrics ko'y walastik
Nakakasugat pag kayo'y napaltik, ako'y mabagsik
Kahit hininga ko ay kinakapos sa pag spit
Di ko parin to susuko kahit tapos na ang beat
Di sasara aking bibig, kahit walang bumibilib
Kahit kaming magtotropa na lamang ang nakikinig
Hoy! mali ka kung akala mo'y diss lang alam ko
Hindi pa nga ako tapos at umpisa pa lang to, tang inang to