Intro:
Alam ko ang pakiramdam ng mag isang nakain
Sa lamesang pang anim pero balewala sakin
Bakit sasayangin? Eh kahit wag hanapin
Alam kong dyan sa puso mo ang langit para sakin
Chorus (2x):
Kahit malawak pa sa dagat, lusong, dapat kang sumabak
Puro banat ka lang dapat sa pahamak na nagkalat
Puro lakad ka lang dapat sulong, apak lang nang apak
Sugod, wag mong isusuko ang paghanap sa pangarap
Verse 1 (Santo):
Pagdilat ko'y bato at pati na po damo
Nung labing walo ako ay nakita ko na to
Saksi sa kung ano ang mali napuna ko
Pano ko nakuhang ngumiti sa sitwasyong ganto?
Simple, kasi maski noon
Love ni nanay, sa hapag ay mayrong alay at pati narin bugong
Pati narin si tatay, at mula nung pagkabata'y
Kanilang pagmamahalan ay aking naidugtong
Pundasyon ko sa buhay ay madaling naituon
Magdasal lang daw palagi kapag inapi si Not
At aking panibugho na aking naisumbong
Sa ating panginoon, dali dalian ang tugon
Ano man ang 'yong lakaran kahit na ika'y harangan
Igagapang, babantayan ka't sasamahan parang
May paskil na mag ingat na sa papel nakasulat
Pagmulat, ito'y galing sa iyong anghel sa balikat sabi pa...
Repeat chorus
Verse 2 (Van John):
Wala ka bang makausap? Nalulumbay at nalulungkot?
Madalas nagiisa? At sa'yong buhay ay nabubugnot?
Sa problema'y nalulugmok parang sa asin ka lumuhod/
Saan ka na tutungo? Wala bang nagtuturo?
Kaya sabog na naman sa bato o damo malamang
Nagpakalango sa daan, nakawalo na lapad
Sa alak ay taob na naman, magbago ka na lang
Pare ko hindi yan ang sagot sa lahat
Kaya ikaw ay manalangin doon sa ama natin
Humingi sa kanya ng tulong at gabay palagi
Wag ng mag-alanganin ikaw rin ay pagpapalain
Kung nagkasala ka man ikaw ay patatawarin
Simulan mo ng hanapin ang daang tatahakin
Wag mong hayaan na ang iyong pangarap ay agawin
Ng mga problemang di dapat lubusang pinoproblema
Hayaan mong ang probelama ang syang mamroblem kaya...
Repeat chorus
Verse 3 (Dello):
Tinatanong ako ano daw balak sa career?
Pagkat lagi ko lang hawak, alak saka beer
Saka lapis sa kamay, audition saka may
Acid Pro sa pc ko, speaker saka mic
Sneakers naka Nike, kahit na panay si
gawan sa tahanan ko, kahit minsan ay di
Ko kinalimutan na, sa taas tumingala
Kung ano ang himala, yan ay ako ng may si
nulat sa papel, kung anu ang nasa utak ko
sukat ng level, mataas kahit yamot ako
sa nagaganap, e saan maghahanap
Ng liwanag kung sa dilim naman pala takot ako
Kaya dapat na, ang loob ko matibayan
At ngayon heto na ko, imposibleng magiba yan
Buo na ang sarili ko, hindi ako mag-iiba
Hanggat may lapis at papel, hindi ako mag iisa
Repeat chorus
Verse 4 (Zikk):
Dumating na ko sa puntong ang dyos ay minura
Puta bat ba sina lolot lola magkasunod mong kinuha?
Di ko matanggap na akoy nilagasan ng pamilya’t
Habang nagluluksa't naluha akoy tinakasan pa ng pilya
Na naging sentro ng buhay ko ng apat na taon
Dapat bang ganon ang parusa upang maawat na akong
Mamuhay ng buhay na parang hari ng mga hari
Tapos ung mga kaibigan ko nahati pa nang nahati
At akong nasa gitna tang ina nakakahinang loob
Nung panahong un pakiramdam ko akoy nag iisa
Pero yan sa aklat ng buhay ko ang mga pahinang sunog
Kasi balikan ko man o iyakan d na yun mag iiba
Kaya ako ang nag iba nagbago akot binangon
Ang sarili ko at ang mga nabangungot hinamon
Hinarap kot tinalo ang multo ng kahapon
Kaya kaya ko ng sikmurahin ano mang problema sa mundo ang malamon
Repeat chorus