Album

Huli Na (feat. Skusta Clee)


Blue
Yuridope
Producer: Chriilz
2023

Verse 1 (Yuridope):
Namamanhid na sa ginaw at wala nang init
Alam kong pati ikaw di na matahimik
Puso ay sumisigaw, di na kaya ng isip
Ayaw ko nang iligaw, bakit ipipilit?
Kung said na ang lahat, lahat ng pag-ibig
Ako na'ng maglalakas ng loob itigil
Ng isang sakit na lang at isang isipin
Kailangan lang naman natin marinig sabihin na (Oh)

Chorus (Skusta Clee):
Sa dami ng maling nangyari
Hindi ko na rin masasabing
Kaya ko pa bang hindi ka iwan? 
Kasinungalingan
Wag tayong magkunyaring
Kaya pa rin natin na maging masaya
Huli na, oh-oh

Verse 2 (Yuridope):
Nag-aalala na lamang ang pagmamahal ay wala na
Na papakatapat sa ngalan ng kapayapaan ng utak, ah
Yaw na kitang hilahin palapit, sabihin mo nang tinutulak
Kaysa parehong malubog pa sa lusak ng mga sagutang di kaya ng usap
Kasi 'sang katutak na ang dahilan
Sa halip na mali ang hanapin ay makakabuti sa atin
At di na natin makita, kung di na tayo magkikita
Kasi sa aking palagay ay wala nang pahinga, makakaalis ng bigat
Makinig ka baka kaya yung pagkakalas natin sa'ting dalawa ay hindi naman makakasira kasi

Repeat chorus

Bridge (Skusta Clee):
Kahit na isang beses lang (Oh-ooh-ooh)
Kahit na isang beses lang (Oh)
Ako ba'y iyong pakikinggan?
Isang beses lang para maliwanag

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Plazma vs KJap (Plazma's Rounds)

FlipTop presents: Grain Assault 7
Various Emcees
2016 Rap Battle Verses

1-800-Ninety-Six

Happy Battle
Francis M.
1996 Album

Feminine Aura

Au Naturel EP
DB x Kessiah Bravo
2017 Album

Ramdam (feat. 霏)

The Lesser Of Your Greater Friends
Calix
2017 Album

Breadwinner

Breadwinner
Geo Ong
2018 Single

FEATURED ARTICLES