Verse 1:
Kapag ang tao'y masipag, tumatatag ang buhay
Nagsusumikap kahit mahirap, ialay
Ang pawis sa kinabukasan
At nang tayong lahat ma-biyayaan at huwag kalilimutan
At laging tandaan ang hagdang
Paitaas ang siyang laging tahakin
Anuman ang iyong gawin
Kahit yun at yun din, gawin mong magaling at sa
Puso'y manggaling
Chorus:
Nasa palad mo ang kapalaran
Kabataan para sa kinabukasan
Oras ay ginto, gamitin nang mahusay
Dahil and oras ay walang hinihintay
Bridge:
(Peace!) Kapayapaan
(Nature!) Kalikasan
(Children!) Kabataan
Verse 2:
Kabataan, kalikasan para sa kinabukasan
Iwasan ang pagkakamaling ating naranasan
Oras nang magtubos, daigdig natin wag sayangin
Wag hayaang maubos
Oras na para kumilos (Make a stand)
Magkapit bisig para sa daigdig (Hand in hand)
Mulat na kabataan ang sagot
Wag masasangkot sa ipinagbabawal na gamot
Kundi'y gamitin ang talino
Maging tunay na bayani, makabagong Pilipino
Sulong kabataan, ipakita ang lakas
Tunay at wagas na pag-asa ng bukas
Repeat chorus
Guitar solo
Repeat chorus (3x)