Chorus (Denise Barbacena):
Kahit sa patalim kumapit
Isang tuka, isang kahig
Ang mga kamay na may bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala
Na ang taliwas kung minsan ay tama
Ang hari ng Tondo, hari ng Tondo
Baka mabansagan ka na hari ng tondo
Hari ng Tondo, hari ng Tondo ohhh
Baka mabansagan ka na hari ng Tondo
Verse 1 (Gloc-9):
Minsan sa isang lugar sa Maynila
Maraming nangyayari ngunit takot ang dilang
Sabihin ang lahat
Animo'y kagat kagat
Kahit itago'y di mo pwedeng pigilin ang alamat
Na umusbong
Kahit na madami ang ulupong
At halos hindi iba ang laya sa pagkakulong
Sa kamay ng iilan umaabusong kikilan
Ang lahat ng pumalag walang tanong ay kitilan
Ng buhay, hukay, luha'y magpapatunay
Na kahit hindi makulay kailangang mag bigay pugay
Sa kung sino ang lamang
Mga bitukang halang
At kung wala kang alam ay yumuko ka nalang
Hanggang sa may nag pasya na sumalungat sa agos
Wasakin ang mga kadena na siyang gumagapos
Sa kwento na mas astig pa sa bagong tahi ng lonta
Sabay sabay nating hawiin ng tabing na tolda
Repeat chorus
Verse 2 (Gloc-9):
Nilusong ang kanal na sa pangalan niya'y tumawag
Alang alang sa iba, tsaka na muna ang patawad
Sa maling nagagawa na tila nagiging tama
Ang tunay na may kailangan ang siyang pinatatamasa
Lahat sila'y takot nakakapaso ang iyong galit
Mga bakal na may nag babagang tingang papalit palit
Sa hangin na masangsang nakakapanga hina ang nana
At hindi mo matanggal na parang bang sima ng panang
Nakakulawit, subalit sa kabila ng lahat
Ay ang halimuyak lamang ng nagiisang bulaklak
Ang syang tanging nag hahatid sa kanya sa katinuan
At hindi ipagpapalit sa kahit na sino man
Ngunit ng dumating ang araw na gusto niya nang talikuran
Ay huli na ang lahat at sa kamay ng kaibigan
Ipinasok ang tinga, tumulo ang dugo sa lonta
Ngayon alam mo na ang kwento ni Asiong Salonga
Repeat chorus