Verse 1:
Lagpas anim na taon na ang nakakalipas
Noong magsimula akong tahakin ang landas
Landas na napiling hindi alam ang patutunguhan
Dalawang paa’y kusang naglakad sa kalsada ng kalungkutan
Kalungkutang pabuya sa aking mga kagustuhan
Kagustuhan minsan ay hindi ko naman kailangan
Subalit sa bawat luha ako’y naging masaya
Masayang nagdurusa sa mahabang byahe ng tadhana
Marami akong natutunan konti lang ang pinaniwalaan
Ako’y biktima ng buwitreng pinagkakatiwalaan
Panahon nga ay pabago bago bago
Ano pa kaya ang pagkakaibigan?
Dahil bawat makasalubong mo ay isa isa mo ring tatalikuran
Kasiningalingan kung hindi ka sakin sasang-ayon
Dahil wala pang may alam ng lunas para sa kapalarang nalason
Chorus:
Mga tinuturing kong kakampi noon
Sila palang magiging kalaban ko ngayon (Kalaban ko ngayon)
Mga tinuturing kong kalaban noon
Sila palang magiging kakampi ko ngayon (Kakampi ko ngayon)
Mga tinuturing kong kakampi noon
Sila palang magiging kalaban ko ngayon (Kalaban ko ngayon)
Mga tinuturing kong kakampi noon
Kayo pala magiging kalaban ko ngayon (Kalaban ko ngayon)
Verse 2:
Hampas ng hanging malakas mula sa galit na dapithapon
Ang nagbigay ng enerhiya upang muling bumangon
Bumangon sa kabaong magbalik upang durugin katahimikan
Katahimikang kikitil ng hininga sa mga naka-maskarang kaalitan
Kaalitang humahalakhak sa iyong madilim na nararanasang kasikatan
Ako’y sawang sawa nang maging isang pulutan sa inyong walang kwentang inuman
Kwentuhan, talikuran mga ayaw humarap sa pinagmamayabang nilang katotohanan
Kaya kung minsan masamang maging totoo dapat tiwala’y huwag mong pagkakaloob ng buo
Dahil mapaglaro ating ginagalawang kalawakan
Minsan kasama mo ang hinahanap mong kalaban (kalaban)
Repeat chorus (2x)
Outro:
Kayo pala, kayo pala, kayo pala
Kayo pala magiging kalaban ko ngayon (Kalaban ko ngayon)
Kayo pala, kayo pala, kayo pala
Kayo pala magiging kalaban ko ngayon