Verse 1:
Kamusta? Tuloy ka
Halika na pare, wag kang mahiyang pumasok
Pasensya ka na sa bahay ko
Medyo madumi at nakakasulasok
Balak ko sanang maglinis, kaso dumating ka hindi na umabot
May alak ka bang dala
Wala kase akong pang-inom, di ko pa sahod
Wag kang matakot
Papasukin mo yung iba mong kasama
Kamo sa kanila madilim na't delikado na diyan sa kalsada
Ako ang bahala sa kanila, hindi sila mapapahamak
Paupuin mo sila sa sofa tapos paikutin mo yung dala mong alak
Isarado mo ang pinto, may gagawin ako
Wag kayong aalis sa kwarto, may kukunin lang ako
Kailangan pag balik ko ay nandyadyan pa rin kayo
Kase hindi lang kayo ang tao mamaya, may bisita rin ako
Verse 2:
Taas ang kamay at walang kikilos ng masama
Kung ayaw nyo isa sa inyo ang tumumba
At isa sa inyo ang dumapa
Lahat ng ito ay plinano ko una palang
Hindi niyo ba nahahalata?
Humanda na kayong mamatay sa kamay ko
Ngayon ay wala na kayong kawala (wa)
Verse 3:
Nandito na kami asan na sila lumalalim na ang gabi
Handa na ang lahat walang ititira kasi
Kapag ako ang bumira walang matitira, tabi
Taas lang ang kamay, akin na to
Wag kang ng pumalag, bwakanang ina mo
Ibigay mo na lahat ako nagsabi sayo
Wag ka nang mag makaawa (bang bang) ina mo
Ano, isa ka pa?
Sige, gumalaw ka ng kakaiba
Hindi na ako magbabago ng isip
Kasi mamaya, susunod na kita
Susunugin ka ng nagbabagang apoy
Hanggang sa mangamoy ang iyong katawan
Sa dugo'y lalangoy at kawawa ka, boy
Namatay ka ng walang nakakaalam
Verse 4:
Ako na ang bahala, wala nang konsensya
Kahit pa na magmakaawa
Gagawin ko to sa harapan nila
Kahit sa paningin mo di tama
Takpan mo ang bunganga
Wag ka nang magsalita kung di mo masikmura
Di ka na makakatakas sakin kahit na ikaw pa ay magmakaawa
Sumigaw ka man nang malakas
Wala ng makakarinig sa labas
Lahat ng kasama mo
Nakahandusay na pinabuhusan ko na rin ng gas
Konting oras nalang
Matatapos na din ang ating palabas
Malinis na ang pagka-plano
Na kahit na sino ay walang makakatuklas