Chorus (4x):
Nakakasawa na
Nakakasawa na lagi
Verse 1:
Ako si Juan Tamad
Ayaw kong mabilad
Kahit malapit ang ubas
Ayaw kong mag inat
Ako si Juan Tamad
Tagalitang kaagad
Kahit marami pang prutas
Ayaw kong magbuhat
Repeat chorus (8x)
Verse 2:
(Uso pa ba?)
Ito ay buhay ng isang (uso pa ba?)
Taong di nalilibang (uso pa ba?)
Sa lahat ng nangyayari (uso pa ba?)
Sinasasabi ng ilang
Tilang pahalang
Parang humigop ng sabaw na matabang
Napaso kasi mainit pinilit sumingit humirit
Humigit kumulang di sapat ang alam
Nakakatakam
Ang bango ng halimuyak pero sa huli sadyang mabaho ang amoy
Sino ang pinagsisibak ng kahoy pero bat nang lumao’y
Ikaw lamang ang syang napaso ng apoy
Kahit na palagi mong tanungin
Malalim ba yan sige talunin
Putik lulusungin
Malayo man ay lalanguyin
Bawal tumayo pero marami dapat abutin
Malaman ang katotohanan kailangan mong amuyin
Parang mga aso
Mga paa't kamay sa lupa kailangan nakayuko
Bawat segundo palaging nakikipagbuno
Para lang makabayad ka ng luha, pawis, at dugo
Hindi ka makakampante
Langgam laban sa higante
Mantika sa paa pinatulay ka sa alambre
Sa hirap ng buhay tila wala ka nang masabe
Parang nung unang araw ng makilala ko si Shanti
Tuloy pa rin ang laban ko
Huli na ang lahat
Baka pwede pang maagapan
Kung hindi ka makalakad kahit papano gumapang
Dahil ang takot may pagkakataon na tumapang
Bridge (2x):
Pag malabo ang pangako
Tetano sa makalawang na pako
Pag napaso at malayo
Ayokong mag inat
Ayokong mag inat
Repeat chorus (8x)