Chorus:
Pwedeng asul
Pwedeng itim
Pwedeng pula
Pwedeng iba, ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila
Sila na siyang makikinig at kakabisado ng kanta
Ngayon sabihin mo sa akin, paano mo ginamit ang tinta
Ahh ahh ahh ahh ahh
Ahh ahh ahh ahh ahh
Verse 1:
Nagsimula ang lahat nang aking mahawakan ang papel at panulat habang
Ako'y tinuturuan ni nanay habang siya'y naglalaba ng damit sa poso
Paulit-ulit isinusulat at dapat diretso ang mga
Letra na parang petsa sa kalendaryo
Magbasa ng aklat kung minsan nama'y komiks at dyaryo
Nang sa gayo'y mapalawak ang aking bokabularyo at hindi imbento na
Parang gamot ng albularyo
Nag-aral isa, dalawa, tatlong baytang sa elementarya
Natapos sa ika-anim ngunit walang medalyang
Nakasabit sa aking leeg, kundi sampagitang
Dala-dala ni tatay pagkatapos niyang mamasada
Lumipas ang mga taong sinubukang lumikha
Mga salitang magkatugma na ang tawag ay tula
Ngunit may nagsabi sa akin, Ris pagnaron ka na
Sabihin mo sa akin kung paano mo ginamit ang tinta
Repeat chorus
Verse 2:
Paggising mo sa umaga maliligo ka sa banyo
Papasok ka sa eskwela, manghihingi ka ng baon
Kung titigna'y wala kang pinagkaiba sa lahat
Ngunit sa iyong isipan ay may nabubuong alamat
Ng isang makatang laging titingalain ng lahat
Mga awit na ikaw lang ang may alam ng pamagat
Ang mga awit ay sasambitin, awit mo'y kakantahin
Ng lahat ng batang tulad mo na may pangarap rin
Ngunit ngayo'y nagisisimula ka pa lang
Di mo hahayaang pigilan ang iyong bawat hakbang
Kahit na ito'y mabagal na parang nakasaklay
Ang mga pangarap mo ang siyang sandata mong taglay
At walang makakapigil, kahit minsan ay parang
Wala ka nang maayos na lupang pwede mong lakaran
Ngunit pagdating ng araw at naron ka na
Sabihin mo sa akin kung paano mo ginamit ang tinta
Repeat chorus