Intro:
Mahal kong Pilipinas
Mahal mo ba ako?
Malapit nang mabutas ang tsinelas
Pero mahirap pa rin tayo
Walang makain, walang tirahan
Ang hirap humanap ng pagkakitaan
Bakit ganito?
Bakit? Woah
Mahal kong Pilipinas
Mahal mo ba ako?
Malapit nang mabutas ang tsinelas
Pero mahirap pa rin tayo
Walang makain, walang tirahan
Ang hirap humanap ng pagkakitaan
Bakit ganito?
Oh bakit?
Verse 1:
Parang trapo na itsura ko kakatrabaho
Pana'y sugat sa kamay at makapal na mga kalyo
Ang kaso'y tila di pa din makadama na makaluwag
Dila ko ay lumulungad ng medisinang walang bisa
Napakadalang pa makakuha ng kahit ano
Na galing sa tao ng mga tau-tauhan niyo
Oo, ang dami namin dito
Araw-araw na iniisip kung papano
Pero parang imposible ang lahat ng plano
Pagkabayad ko sa utang, uutang ng panibago
Bakit kamo? Kasi kulang
Kulang na kulang
'yong kikitain ko ngayong araw, ginastos ko na kahapon
Ipinambili ko ng ulam
Chorus:
Mahal kong Pilipinas
Mahal mo ba ako?
Malapit nang mabutas ang tsinelas
Pero mahirap pa rin tayo
Walang makain, walang tirahan
Ang hirap humanap ng pagkakitaan
Bakit ganito?
Bakit? Woah
Mahal kong Pilipinas
Mahal mo ba ako?
Malapit nang mabutas ang tsinelas
Pero mahirap pa rin tayo
Walang makain, walang tirahan
Ang hirap humanap ng pagkakitaan
Bakit ganito?
Verse 2:
Patawarin mo sana ako sa aking mga nagawa
Anumang buhay ang ibigay sa atin ay ipasalamatan
Kahit na gaano ka pa pahirapan ay walang may karapatan
Ikaw lamang at wala nang ibang dapat paniwalaan
Anumang bagay na galing sa'yo ay dapat na pangalagaan
Woah, ohh, ohh
Woah, ohh, woah (Woah)
Kung meron man o walang ipagkaloob ay palaging magpasalamat
Ang buhay ay galing sa Panginoon
Kaya kung anuman ang mangyayari sayo ay walang makakaawat
Oh, mahirap subalit hindi lang ikaw ang nakakaranas nito
Lahat ng nilalang ay mayroong pinagdadaanan sa mundo
Kaya kung ikaw, mahirap ka na nga, hindi ka pa naniniwala sa Panginoon
Wala kang karapatan na magreklamo
Chorus 2:
Mahalin mo ang Pilipinas anuman ang mangyari sayo
Kahit pa mabutas, o mawasak, o ano man ay wag na wag kang hihinto
Mahalin mo ang Pilipinas
Kahit pa na madapa, mabutas, o mawasak ay wag na wag kang hihinto
Woah
Outro:
Mahalin mo ang Pilipinas
Kahit pa mabutas, mawasak, o kung ano pa man
Mahalin mo ang Pilipinas
At huwag kang hihinto