Halika na't pasukin natin ang mundo ng laro
Mike Kosa mas matindi pa sa mga egoy at kano
Kapag bumanat sa mic katumbas ko'y ilang tumbok
Sa aking dila na hindi na nagbabago ng tunog
Hinasa ng panahon kasabay ng beatbox kong istilo
At inilapad ang mga letra sintigas like Escudero
At ilang kwentong barbero ang aking natanggap
Ang masapawan ng pangalan ko kay hirap matanggap
Ako yung bata na gustong gustong gawing bataan
Ng beterano naturingang utak ay walang laman
Magcocompose ng english rap na ang puntirya'y magpabounce
Nagpapanggap na englishero mga bobong magpronounce
Full effect pero ang rhyming ay na-discorrect
Hindi ma-take ang pag-arte sabi ni direk
Wla kang karangalan para sa akin magyabang
Isa ka lang na tagahanga na gusto sakin mag-abang
Ikaw ay bata para sakin wag kang magmagaling
Wala ka pa sa kalahati ng aking narating
Ngayon ka pa lang sumisibol at biglang sumulpot
At kumpara sakin na kay dami ko nang nasundot
Na dahil lang sa pagrarap ay dami nang nainggit
Pinapagana ko ay utak at hindi ang damit
Kasi ang iba ay nagrarap para lang sa chikas
Eh pano kung hindi na uso bigla ka na lang lilikas?
Hindi usapan kung beterano o maging baguhan
O kung ang mic ay nasa kaliwa o nasa kanan
Ang importante para sakin ay maging malaya
Hindi yung tipong champion ka nang dahil lng sa daya
Hindi ka dapat mag-angas o umasta na sikat
Alam ko alam mo rin na alam din ng lahat
Ika'y nagbibingi-bingihan at nagpapakadisente
Na sa tuwing ito ay tama nagpapanggap kang inosente
Ang aking flow napakasimple pero di na uutal
Ang mga rhymes buong-buo pero malayong magbutal
Ipinamalas na ang husay sa mga klase ng duwelo
Kung ikaw ang makakalaban di ko kailangan pang bumuwelo
Di naging basehan sa dami ng iyong alalay
Ang pagiging magaling wala sa estado ng buhay
Laki man sa Tondo walang sapat na pera
Aking kanta'y dekalidad at yaman ko ang letra
Di ako nagbibitaw ng mga patapon
Isang talento na hindi pinansin ng ilang taon
Ako yung preso na pinapangarap mong bumaba
At gusto mo akong isama sa iyong pagkadapa
Ikaw ang nagsimula ikaw ang unang nagpahangin
Binaba ko na ang lona mula sa pinilakang tabing
Di ka bagay mag-artista tanggalin ang maskara
Batalyong aking nakalaban tinumba ko mag-isa
Sa mga gustong maghari na ang trono ay bunyong
Kung gusto mong maka-isa humalik sa aking tumbong
Read my group Dos Talentos in 187 Mobsta
Sapul ang humahatol sa mahusay na makata
Mike Kosa!