Chorus (2x):
Ako ang mundo mo
Ikaw ang mundo ko
Bawat pintig ng puso mo ako ang sumisimbulo
Pagka’t ako ang mundo mo sa ayaw man o gusto mo
Verse 1:
Naaalala pa kita
Bente uno anyos na ina sa batang edad lima
At kahit na ang ‘yong asawa’y nasa piling na ng iba
Pilit mong itinaguyod ang iyong anak na mag-isa
Palagi ka na balisa mula nang ika’y naiwan
Kaya sa hirap ng buhay, ako’y naging sandigan
Lahat ng ‘yong pasan-pasan, nagawa kong angkinin
Kaya naman ika’y nagkaroon sakin ng pagtingin
Subalit, marami ang tumutol sa hangarin
Kaya aking imahe pinilit nilang basagin
Kalimutan mo na raw ang pag ibig mo sa akin
At simpleng buhay na lamang ang dapat mong hanapin
Sapakat marami na raw akong relasyon na nawasak
At masamang impluwensya pa at marami ng napahahamak
Ang tunay daw na ligaya ay di sakin mahahanap
Kaya pag-ibig mo sakin ay hindi raw nararapat
At ang sabi mo, mahal ko siya, huwag kayong mangialam
At isa pa, nung nangailangan kayo, sino palagi nandiyan
Nung sikmura niyo’y nagsikalam, at nagsimaan ang pakiramdam
Sino ba yung handa tumulong? Hindi ba’t siya rin naman?
Daming hadlang pero ika’y walang pake
Pagka’t ang tibay ng pag-ibig mo sa akin ay mala tangke
At kahit wala kang maipagmamalaki
Ang mahalaga sayo ako’y kasama na kasi
Repeat chorus (2x)
Verse 2:
Dating mundo ating lisanin na
Bagong yugto, sulatan na ang bagong pahina
Hinaharap di mapinta, kaya kapit lang sa pagsinta
Hanggang pag-ibig mo sa akin ay lumalim na
Pagka’t sa mag-ina akong tumayong ama na bago
At dahil sa akin may laman palagi ang plato
Aking natustusan ang pag-aaral ng anak mo
At nakapagpatayo ng bahay na sobrang magarbo
Sabay tumulo ang mga luha mo
Sabi mo salamat at sa akin, ikaw ang sumalo
Sa mundong salbahe ika’y nagsilbing lunas ko
Kung wala ka, sigurado patapon ang buhay ko
Ngunit isang gabi, habang tayo’y naglalakad
Hindi pansin na sa dilim meron palang nagmamatiyag
Mula sa likod, may humablot ng ‘yong dala na bag
Isa palang mandurukot na bigla naming nakaharap
Ika’y pumalag at nilabanan mo ang mama
Muling Nabawi ang bag, at tayo ay rumatsada
Sabay may pumutok (blam), ako ay naalarma
At nakita na lang kita na bumagsak ka sa kalsada
Dinampot ng mandurukot ang ‘yong bag na nakahilata
Hinalukay para sa inaasam na gantimpala
Sabay kanyang mukha ay nagumapaw sa ligaya
Pagkat ako’y kanyang natagpuan sayong pitaka
Mga mukhang nakaimprenta sa papel na katawan ko
Si Ninoy, Quezon, at Osmena ang katumbas na halaga ko
At ako’y kanyang dinukot at binilang patago
Sabay ako’y kanyang ibinulsa at lumakad palayo
Repeat chorus (2x)