Lumalakas ang bawat tibok, ang bawat pintig
Sa tuwing papasok sa dilim nanginginig
Lumalakas ang bawat tibok, ang bawat pintig
Sa tuwing papasok sa dilim nanginginig
Sa pag kagat ng dilim pagsapit ng gabi
Mga di mo inaasaha’y nariyan lang sa tabi
Bawat bulong ng hangin ay parang bang kay lamig
Pagdampi sa iyong balat na siyang dulot ay nginig (siyang dulot ay nginig)
Pilit mong pinipigil
Na madapuan ng sulyap
Para kang kinakausap
Ng isip mong mailap
Laging mong tinatanong
Saan mang dako’y malikot
Ngunit sa iyong sarili
Ayaw malaman ang sagot
Sa bahay na bato
May isang ale
Nag rorosaryo
Mata niya’y nakapikit
Napadilat at nagulat
Umuungol na ispirito
(Tulungan niyo po ako)
Nagtatatakbo ang ale
Hesusmaryusep
Santa’t santo
Nanginginig ako
Alolong ng aso
Taong kabayo
Nanginginig ako
Lumalakas ang bawat tibok ang bawat pintig
Sa tuwing papasok sa dilim na nanginginig
Lumalakas ang bawat tibok ang bawat pintig
Sa tuwing papasok sa dilim na nanginginig
Naglalakad sa Kalye
Ang isang lalaki
Sa puno ng balete may tikbalang at dwende
Napadaan sa may sementeryo
Kahit saan nagkalat ang maligno
Laman lupa, tikbalang, enkanto..
Sarisaring mga misteryosong elemento
Hesusmaryusep
Santa’t santo
Nanginginig ako
Alolong ng aso
Taong kabayo
Nanginginig ako
Sumama ka sakin, subukan nating alamin ang mga
Bagay na di dapat alamin, gawin ang ayaw ng iba
Buksan ang mga pintuan na kay tagal nang nakasara
Kung kaya mong tagalan ang kababalaghan at ang takot na dala
Kapag ipinipikit ang mga mata mayroon ka bang nadarama
Natatanaw sa bawat sapak sa likod ay parang may gumagalaw
Nakakapanghiyaw, hindi mo malaman kung saan ang daan pabalik
Binibilisan na ang bawat hakbang pero para bang may naririnig
Tulad ng nginig
Ikaw ba ay naniniwala sa kababalaghan
Handa ka bang mabigla at kilabutan
Ikaw ba ay naniniwala sa kababalaghan
Handa ka bang mabigla at kilabutan
Hesusmaryusep
Santa’t santo
Nanginginig ako
Alolong ng aso
Taong kabayo
Nanginginig ako