Verse 1:
Wala kaming kasalanan dahil
Hindi naman namin ginusto
Ang buhay na my sabit
Sadyang ganito lamang kami
Halika na't lumapit
Nang makilala ng lubusan ang mga
Sunud-sunuran sa iba kaya
Ayoko na ohh tama na
Kailangan bang baguhin ang sarili sa iba
Kailangan bang pilitin pang intindihin ka niya
Pero wala naman paki di ako
Mapakali oh ayoko na
Galit ba sakin ang mundo
Di ko malaman kung ano ang gagawin ninyo
Sana ay makilala kung sino na nga ako
Bakit di nyo ma-gets
Try to understand me and you know me well
Chorus:
Try to understand me
This is just the real me
Why can't I just be my self and be
Accepted can't you see
Di na kailangang magkunwari kung minsan
Wala naman masama sa ginagawa
Diskarte ko'y iba ang kailangan
Ako'y pagbigyan
Tumundig sa sarili, support's what I need
Sa aking barkada sa aking pamilya
Huwag ipilit sakin ang hindi ako
Okay ako (6x)
Verse 2:
Kapag kasama ko sila
Buhay ko'y nag-iiba
Hindi naman ibig sabiihin ay may
Ginagawa kami na kakaiba
Walang iwanan, nagtutulungan
Walang gulangan, palaging nandyan
Kilala na namin ang bawat isa
Kahit ano pa man ang sabihin nila
Kaya't napipilitan pa
Magkunwaring sunod sa kagustuhan ng iba
Pero hindi ko makayanan na itago pa
Itago ang sarili ko at sabihin ang gusto
Magugulat ka
Ako ay kausapin mo
At makikita mong pareho lang naman ito
Kakaiba lang talaga ang mga diskarte ko
Kung tingin mo'y mali
Nagkakamali oh ay naku!
Repeat chorus
Bridge:
Di kailangang mag balat kayo
Upang maka sagip
Heto kami kami sige sabay
Sabay nating sabihing
Repeat chorus