Single

Sining ng Pinoy


Sining ng Pinoy
Gloc-9
2015

Chorus (Sarah Geronimo):

Lahat ay napapahanga

Saan man dumayo ay may palakpakan at tuwa

Hindi ito haka-haka

Kahit malayo ang tanong ay saan ka nagmula

Mainit na parang baga

Pagmamahal sa bayan di maaapula

Nagliliyab na apoy

Pag sumigaw 'ko ang "Hoy!"

Ito ay sining ng Pinoy

 

Verse 1 (Gloc-9):

Sama-sama tayong magbunyi

Ipalaganap ang sining natin, huwag mag-atubili

Sa kahit saan mang lupalop ay hindi natatakot

Ipakita ang kaalaman at mag-abot ng sukli

Ipamahagi, ipamigay at ikalat ang punla

Pero huwag kalilimutan kung saan ka nagmula

Kulturang parang balong di nauubusan ng tubig

Ang taong nagtatagumpay ay kung sino ang masugid

Na gumuhit di pinilit na hilahin ang sinulid

Kahit mapurol ang gamit ay patuloy na umukit

Sa bato ng kapalaran, yan ang kailangan

Palagi mong tulungan ang iyong kababayan

Alalayan pataas kahit magkaiba

Di katulad ng sayo ang sining na bitbit nila

Lagi mong tatandaan na kahit may nauna pa

Na ang pagkakaisa ay ang siyang mahalaga

 

Chorus (Denice Barbacena):

Lahat ay napapahanga

Saan man dumayo ay may palakpakan at tuwa

Hindi ito haka-haka

Kahit malayo ang tanong ay saan ka nagmula

Mainit na parang baga

Pagmamahal sa bayan di maaapula

Nagliliyab na apoy

Pag sumigaw 'ko ang "Hoy!"

Ito ay sining ng Pinoy

 

Verse 2 (Gloc-9):

Sama-sama tayong magbunyi

Ipalaganap ang sining natin, huwag mag-atubili

Sa kahit saan mang lupalop ay hindi natatakot

Ipakita ang kaalaman at mag-abot ng sukli

Sari-saring man ang hilig, iba't ibang galing

Ngunit iisa ang puso kaya't iba ang dating

Ng sining na pinili ko o sining na pinili mo

Pihadong laging pulido ang sining ng Pilipino

Kaya't ating ipagdiwang ang ating kapatiran

Dapat pasalamatan ang ating pinanggalingan

Dahil dito ko inani ang bungang hindi hilaw

Sa puno ng Luzon, Visayas, Mindanao

Sa sayaw, sa litrato, pelikula, entablado

Pintor, eskultor, o aktor sa teatro

Sa pagsulat ng tula o pag-habi ng istorya

Musika na kinatha, maging ang arkitektura

Tulong-tulong pataas kahit magkaiba

At di katulad ng sayo ang sining na bitbit nila

Lagi mong tatandaan na kahit may nauna pa

Na ang pagkakaisa ay ang siyang mahalaga

 

Chorus (Sarah Geronimo):

Lahat ay napapahanga

Saan man dumayo ay may palakpakan at tuwa

Hindi ito haka-haka

Kahit malayo ang tanong ay saan ka nagmula

Mainit na parang baga

Pagmamahal sa bayan di maaapula

Nagliliyab na apoy

Pag sumigaw 'ko ang "Hoy!"

Ito ay sining ng Pinoy

 

Chorus (Sarah Geronimo and Denice Barbacena):

Lahat ay napapahanga

Saan man dumayo ay may palakpakan at tuwa

Hindi ito haka-haka

Kahit malayo ang tanong ay saan ka nagmula

Mainit na parang baga

Pagmamahal sa bayan di maaapula

Nagliliyab na apoy

Pag sumigaw 'ko ang "Hoy!"

Ito ay sining ng Pinoy

Ito ay sining ng Pinoy

Ito ay sining ng Pinoy

Ito ay sining ng Pinoy

Sining ng Pinoy



Gloc-9 - Sining ng Pinoy (2015):

SEE ALSO

OTHER LYRICS

Practice

IDEAL
Curtismith
2016 Album

Yatkape

Yatkape
Delinquent Society
2019 Single

Forces We Deliver

Forces We Deliver
The Pharm
2012 Single

Still

Kung Alam Mo Lang
Hev Abi
2023 Album

Tonight You're Mine

Love + Hate
7 Shots Of Wisdom
2003 Album

FEATURED ARTICLES