Verse 1:
Alam ko alam mo na'ng istorya ng buhay ko
At alam ko alam kung gaano kahaba ang sungay ko
Pero may isang bagay kang d alam at ayokong ibaon to sa hukay ko
Kaya makinig kang mabuti kasi tunay to..
Puta parang pelikula tayo nina Kim Chu at Gerald
Pero sa istoryang to akong napasok sa picture at epal
Kasi may mahal ka na pero diba noon ako ang go to guy mo
Sa akin ka nakapit kahit alam mo na no good guy to
Isang badboy na nababoy sa mga katulad mong Eba
Na nanghaharana para lang may mapasukan na kweba
At para lang mga chicks na uto uto ay makunan ng pera
Kaya nung sabi mong si zikk ay may puso kahit akoy nasurpresa
Teka ganun na ba kabait sau ang hinayupak na naupak
Sa mga bobong nanloko sau na mga ilong ay nagkabulak
Kaya pag ako nasaksak ikaw ang nagamot sa mga sugat
At sa mga liham ng korte ikaw ang nasagot sa mga sulat
Ako'y nagulat ng yong sabihin payag ka sa akin na magpatikim
Nung nalasing tayo pero d ko kayang gawing wasakin ang pagkabirhen
Mo kaya lumayo ako at sa iba nagbaling ng pagtingin
Kasi pagdating sayo ang kaya ko lang gawin mahalin ka ng palihim
Verse 2:
Pero kahit na lumayo ako, di mo alam
Ako'y nasa paligid mo pa rin naaligid nakatitig nagbantay
Kaya mga nagtangka ng masama sayo'y naging malamig na bangkay
May biglang nawala, nabangga, may nasunog habang tulog sa loob ng bahay
Bat ko ginawa? Kasi tiwala tong tamang hinala kong d tama ang pakay
Nila sayot nilalason lang nila ang yong murang kaisipan
At di ako papayag mabastos ang babaeng di ko makuha na silipan
patunay dyan ang buhay ng mga nagmahusay na singitan
Ka't aagawin ka daw diba namaguindanao silat sa hukay nagsiksikan
Pero di ko pinagsisihan makapatay at maging kaaway ng bansa
Basta mabantayan ka lang kahit pa naging alalay ang bansag
Ng mga tropa ko na kontrat nagsasabing manghalay manglaspag
Ka na lang Zikk ng mga chicks na sabik kesa mangalay ka sa pag
Babantay at paghihintay na ibigay sayo ang paningin ng bulag
Pero kahit anong kanilang sabihin para akoy praningin ay duwag
Ako't takot sa sasagot mo kapag aking damdaming nabunyag
Na sadyang di ko kayang pahayag kahit pa balaking matupad
Verse 3:
Pero tang ina nung nakaipon na ako ng lakas ng loob para aminin na sayo
Binigla mo ako, nung ako'y iyong...
Kinausap at ginulat sa inulat na ikay paalis ng pinas/
Ako'y nainis pero nung sinabing mamimiss mo'y naalis ang tigas
Ng dibdib pero ang bibig d napahiwatig ang nais mabigkas
Yumuko lang at tumulong luha pagkat labis ang bigwas
Sakin ng realidad na ang dilag na pinaglalaban ko ng palihim
Na tanging sinag na nagpaliwanag sa pinagdaanan ko na madilim
Ikaw na napakatagal na panahong pinaglaanan ko ng pagtingin
Ay harapang namamaalam kase kahit pinag aralan ko na banggitin
Nang paulit ulit ang nadarama lagi pa ring kabang nauuna
Pero di mo ba batid manhid ka ba wala ka bang napupuna?
San ka ba pupunta? Pwede dito ka na lang sa tabi ko?
Yan ang gusto masabi pero di nasabi at etong nasabi ko
Sige ingat na lang, bigla kang naiyak kaya binigay ko ang aking
Balikat at nadarama parang kabag na dinighay ko sa hangin
Pero bago ka umalis isang sulat ang binigay mo sa akin
Na laman ay pagmamahal na matagal na hinintay mo sa akin
Verse 4:
Pero kahit na alam kong mahal mo rin ako
Ang tanga ko rin kasi...
Sinayang ko yung pagkakataon at sayo di nagtapat
Kaya yung pangarap ko na maging tayo di naganap
At nung mawala ka wala akong ibang ginawa kundi maghanap
Ng iba pero tang ina nag iisa ka kasi sila di matanggap
Ang pagkatao ko't ang pagkagago ko hangad nilang mabago
Kaya nung sagad silang magago, agad silang napagod
At di natupad ang pangarap nilang basagin pa ang bato
Na puso, di mo sila katulad na kayang basahin pangamba ko
Ang tanga ko! Kasi tangan ko pa rin ang pangarap na
Na makaharap ka't magtapat di naisip na may nahanap ka
Na pala't nagpasya ka na maging masaya sa piling ng iba
Ako'y napailing tang ina kase d ko nagawang sabihin ang isang
Bagay na matagal na panahon din sa aking puso nakulong
Ang sakit kase naadik ako kahit di ko gustong malulong
Nagsising wala ng silbeng sabihin mga salita na nalulon
Ko noon saka ko nasabing mahal kita ng pabulong