Intro (Joshwa):
Umaasa, umiibig, mapagpalaya
Ang mga awit na nag lalakbay sa hangin... umiihip
Sana'y maintindihan, pag ito'y dumating
Ay may damdamin, may bilin
Chorus (Joshwa):
Mamumutawi ang himig ng pag-asa. pag-ibig, paglaya
Makasaysayang awit ng pag-asa, pag-ibig, paglaya
Verse 1 (Ilaya):
Ang musika sumasalamin sa damdaming maligaya
Nagpapadama ng pighati
Kung minsan ay kumikiliti
Sa isipang nag lalakbay sa kawalan
Nagpapahayag ng saloobin ng manunulat na nais maglathala
Ng mulat na kaisipang sumasabay
Sa bagsak ng instrumentong nag-aayon
Ang kagawaran ng sining na nagsasalaysay sa mga napapanahong pangyayari
Pumupukaw ng pansin di para linlangin ang diwang nangungulila
Repeat chorus
Verse 2 (Tala):
Isa, dalawa, uh!
Kay halaga ng sining na may kabuluhan
Isang larangan na pinantay ng karanasan
Nilikha para mag iwan ng bakas na hahakabangan
Ng iilang bulag, imulat ang naiwan pang bulag
Bagamat madalang man pakinggan ng karamihan
Ganap na kalayaan ang kahilingan ng karaniwang taong nananabik
Madama ang kaginhawaang inaasamasam
Ngunit iilan palang ang bilang ng mga kawal na hinirang
Repeat chorus
Outro (Joshwa):
Ang mga awit, na naglalakbay sa hangin... umiihip
Sana'y maintindihan pag ito'y dumating
Ay may damdamin, may bilin
Repeat chorus