Chorus:
Bakit aangal kung panalo ang bigayan
Pansarili at para sa bayan
Tikman mo na bago ka paglamayan
Ang boom bap na di mo nakasanayan
Verse 1 (Kemikal Ali):
Iwas na muna sa mga mapaminsala
Baka pagbuntunan pa ng mga hinala
Ni General Bato sa halip na tumalo
Baka tumumba ka pag ipinasa na sayo
Ang responsibilidad na di gaanong mabigat
Na-reporma ka na ba o balik pasilidad
Kasi, mabubulabog ang may murang edad
Nasunog ang utak sa internet ay nabilad
Pasikatin ang sarili, dyan ka ba nakatuon
Pero ayaw lumabas dyan sa isla ng Luzon
Plato mong malapad, chicharong malutong
Ang pwede sakin bulalo kung kaya’t maluko
Ayan namamasa ang labi sa magandang kasa
Kasalanan ko pa ba kung yung iba di nagbasa
Ng mga babala na dati’y naitala
Napakahalaga nun but still binalewala
Pero wag mataranta kasi mahusay ang produkto
Sulit naman kahit tambak ang asunto
Pinahid na kulangot sinumbong pa kay Tulfo
Kulit ng lahi mo buksan mo na ang mucho
Repeat chorus (2x)
Verse 2 (Kemikal Ali):
Bat di mo pa subukan this pretty miss
Ang hip-hop na talaga namang napakatamis
Piniga na ang katas sa haplos at kaskas
Ni Arbie Won now, san ka pa ang lakas
Ayos naman pala positibo ang resulta
Laganap ang kultura, oh well, may ukol pa
Dagdag ligalig galing kalye at eskwela
I-maniobra ala Olsen Racela
It’s hella dope how it’s gotten this big
Pagsampa mo sa stage di ka na nanginginig
Sundalong marurunong ang armado kung lumakad
Lumapad ang daanan ang hirap nang maawat
Lumilipad ang kulay iba’t ibang watawat
Sumikat na sa ere kanta ng mangangawat
Uy, narinig ko lang, well, naranasan din
Pinagpasadiyos ang kasalanan ng salarin
Ganunpaman kuha ka na saken
Gano karami bang kaya mong tirahin
Pwede na epektus ng hip-hop na effective
Tatanggihan mo bang alam mo nang authentic
Repeat chorus (2x)
Verse 3 (Banong Bagsek):
May bagong bagsak si Banong Bagsek
Sa bawat bakbak tanggal ang paltik
Lumapit na mga parokyanong sabik
Itong isalang niyo dito tayo lahat sumsiksik
Kung laro ang turing dito kami’y liyamadong atleta
Hindi perpekto pero turing ng iba samin propeta
Lirikong reseba isang buong bodega
Kung pagdudugtungin abot sa Andromeda
Pero bulok pa rin sistema ng mga sistemador
Pag dumirekta walang reklamo ang mga reklamador
Gusto niyo ng malakas dito ka makinig
Ligtas araw-arawin garantisadong walang nginig
Si DJ Arbie Won ang tanungin kung san panalo
Taryadong mga kick and snare na siyang pumalo
‘sang bultong beats at ‘sang blokeng breaks
Tinira namin sa studio in one two takes
At walang ilegal sa ganitong klaseng ratratan
Walang makakalimot dapat niyong tandaan
Laging maganda ang bigayan ng Maranao at Intsik
Kemikal Ali and Klutch B Banong Bagsek
Repeat chorus (2x)