Intro (Gloc-9):
Malakas! Bagong gawa ni Chito at ni Gloc
Malakas! Bagong gawa ni Chito at ni Gloc
Malakas!
Chorus (Chito Miranda):
Kahit ano mang mangyari, aking aabutin
Mga tanong na sinabi, lahat sasagutin
Itong gulong ko na bakal, lahat tatawirin
Kaya’t wag kang haharang sa daraanan ng pison
Verse 1 (Gloc-9):
Matagal-tagal na rin akong hindi gumamit ng ganitong pamamaraan
Sa pagbigkas ng mga salitang nagbabaga samantala para bang ang dami ang nag-uunahan
Sino ba talaga ang pinakamabilis?
Hindi naman mahalaga
Kasi ang tunay na tanong ay kung gano ka kagutom
Mahawakan ang pangarap
Mayakap malawak ang balak itarak ang itak
Puso kong dumadagundong
Kahit na anong mangyari, kailangang madali
Madami mang beses na madapa, pagpagin ang alikabok
Lasang parang mapait, pilitin mo lang malunok
Dahil ang kinabukasan mo di pwedeng mabulok
Sige lang itulak mo ang kariton
Kung di abot ikaw ay tumalon
Pagkakataon na sitahin kahit nakalingon
Pawis na tumulo pag-inipon mo galon-galon
Sa buhay na mapagbiro di pwede dito ang pikon
Nauna sa tadhana pumikit lang ang pahinga
Isaulo ang bawat letra, tandaan mo ang pahina
O pahina, kumain na kayo nakahain na
Ang pagmamahal na kailanma’y tinuro sa aking ina
Kahit na ako minsan ay nagkakalatay kay tatay
Ang kanyang mga payo sa akin ay siyang umakay
Di makinis ang daan anak kailangan mong masanay
Tandaan mo na hindi pwedeng madaliin ang palay
Tiyagain mo lang…
Repeat chorus
Verse 2 (Gloc-9):
Di mo kailangang pakinggan ang sinasabi ng mga ayaw maniwala
Kahit medyo pawisan diretso lang parang kalan at paliyabin natin ang baga
Ng mga pinapangarap mo dapat tibayan dahil natural lang ang mabahala
Malubog sa putikan, yapak ka lang, sagad mo lang kahit na gano kadambuhala
At atumali, sandali nga hindi pa ko tapos
Itupi ang tuhod kung dahilan sa kumot ay kapos
Paa’y hindi sumasakit, talampakan na pinaltos
Patipato at panabla, sige ubos na kung ubos
Kahit madalas nakatawa, pare hindi ito landian
Sa dami ng kalaban, di maiwasan ang sanggian
Bigay todo palagi, kaya malamang na mabalian
Sa laro na bilang ko lang ang tunay kong kaibigan
Hindi katulad ng bitak-bitak na mga palad
Tipak-tipak na sugat sa tubig ay nakababad
Mamasa-masa kaya hirap pagalingin kaagad
Agad tumatayo tuloy-tuloy pa rin ang lakad
Walang kapaguran, ikaw ay magpabalik-balik
Daanan mo nang daanan hanggang sayong madagit
Kahit ika’y pagdudahan ng kaibigang matalik
Wag mawalan ng pag-asa, pare buhay pa rin si magic!
Repeat chorus