Single

Puting Papel (feat. Yuridope & Kael Guerrero)


Puting Papel
Gloc-9
Producer: Tribute Collective
2024

Verse 1 (Yuridope):
Gusto lang magpasalamat sa'yo kasi lagi kang nandiyan
Sa mga panahong magiginaw nung ikaw ay nahahagkan
Pinapadama lagi 'pag katabi ka, walang makahadlang
Nung panahong mahina, dahil sa'yo 'di na nagdadamdam
Ng malubha, kaya nung sinagot maluha-luha
Parang nung unang beses makita kita
Mga mata ko'y magkandaluha-luha
Kapag kapiling ka ay siglang-sigla
Kaya napapatanong lagi kay Ama kung
Bakit sa dinami-dami ng maaring biyayaan ng katulad mong sa'kin
Binahagi't maging kabiyak
Matiyak, palagi, kahit mahirap
O sa kaginhawaan tatabihan, kung sakali lang naman
Daming-dami pang gustong sabihin sana sa'yo
'Di na kayang magkabisa, o magsalita, paano naluluha
Hanggang ngayon, 'di pa rin makapaniwala kaya

Chorus (Kael Guerrero):
Dito na lang sa puting papel
Baka sakaling mag-dilang anghel
'Pag nagsulat ng mga kayang mapangako sa'yo
Dahil sa suot mong mahabang puting damit
Habang naglalakad ng palapit
Sa pasilyo na patungo sa karapat-dapat sa'yo
Hindi ako

Verse 2 (Gloc-9):
Tinatanaw kita habang papalapit ka sa akin
Ang puting damit na iyong suot, ang ganda mo'y kumikinang
Mga bulaklak sa sahig ay hindi ko na mabilang
Amoy ng iyong buhok ang siyang inaasam, makatabi ka lang
Arkilado man ito, ang barong na suot-suot ko
Pinagbutihan ko na plantsahin dahil hangad ko rin
Ako'y iyong mahalin, kung pwede ko lang dalhin
Sa mga bituin ang tangi kong hiling
Dahil hindi ako ang siyang naghihintay sa altar
Ngunit ang laging hawak ko ay nung ako ang iyong mahal

Chorus (Kael Guerrero):
Dito na lang sa puting papel
Baka sakaling mag-dilang anghel
'Pag nagsulat ng mga kayang mapangako sa'yo
Dahil sa suot mong mahabang puting damit
Habang naglalakad ng palapit
Sa pasilyo na patungo sa karapat-dapat sa'yo
Hindi ako

Bridge (Kael Guerrero):
Pero salamat sa pag-imbita
Sa iyong pinakamahalagang araw
Nakita ko rin yung pinakamasaya mong ngiti
Kaya hanggang dito na lang

Chorus (Kael Guerrero):
Dito na lang sa puting papel
Baka sakaling mag-dilang anghel
'Pag nagsulat (ohh) ng mga kayang mapangako sa'yo
Dahil sa suot mong mahabang puting damit
Habang naglalakad ng palapit
Sa pasilyo na patungo sa karapat-dapat sa'yo
Hindi ako



OTHER LYRICS

Dittybop (feat. Rocky G, Kiwi, & Ruby Ibarra)

Sharpest Tool In The Shed
Bambu
2020 Album

Bara Imortal (feat. Kemikal Ali & Denmark)

Loob Ng Kabaong
Apoc
2017 Album

Samin

Samin
Smugglaz
2022 Single

Pops

...One Rifle Per Family
Bambu
2012 Album

Boo!

Excelsior
Yorko
2020 Album

FEATURED ARTICLES